^

True Confessions

Sinsilyo (89)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINUNGO ni Lyka ang ban­yo. Pero biglang may naalala si Gaude. Hindi pa pala niya naaalis ang mga ginamit na timbang pambuhos at steel wool na ipinangkaskas sa dumi ng banyo.

“A sandali lang po Tita Lyka at aalisin ko ang mga gamit sa banyo!” sabi niya at mabilis na tinungo ang banyo. Nakatingin lamang si Lyka.

Nang mailabas ang mga gamit sa banyo at natiyak na malinis ito ay saka tinawag si Lyka na maaari nang gamitin ang banyo.

“Puwede na po Tita Lyka.”

“Salamat, Gaude. Ikaw ha, parang magkapatid lang tayo e tinatawag mo akong Tita.’’

“E,’’ nasabi lamang ni Gaude.

“Sige na nga, tita kung tita,” sabi at pumasok na sa banyo si Lyka.

Nagbalik sa kusina si Gaude at ipinagpatuloy ang ginagawa. Maya-maya pa narinig niya ang pagbubuhos ni Lyka. Wala silang shower kaya tabo ang gamit. Malapit lang sa kusina ang banyo kaya dinig na dinig ang pagbubuhos.

Ayaw patawag na “tita” si Lyka. Sabagay, masyado ngang bata para tawaging tita. Baka mga 24 o 25 lang si Lyka. Pero ano naman ang itatawag niya rito? Lyka lang? Kakahiya naman dahil asawa ito ni Tito Mau. Dapat itong igalang. Baka kung ano ang isipin ni Tito Mau kapag Lyka lang ang itawag.

 

ISANG umaga, nagwa­walis si Gaude sa likod ng bahay malapit sa tirahan ng matatanda nang sutsutan siya ni Lolo Dune o Kastilaloy. Nagtaka si Gaude.

“Bakit po?”

“Hindi ko na isinumbong si Kandoy kay Mau. Baka lang pagalitan ang tonto na iyon.’’

“A,” nasabi lang ni Gaude.

“Isinumbong mo ba ako kay Mau dahil papasok ako sa kuwarto mo?”

“Opo.’’

“Bakit mo pa sinabi?”

“Kasi po utos nga niya na huwag magpapapasok sa kuwarto.”

“Papasok lang naman ako at titingnan ang mga barya, anong masama nun?”

Hindi na sumagot si Gau­de. Ipinagpatuloy niya ang pagwawalis.

Gumawi si Kastilaloy sa salansan ng mga lata.

“Siyanga pala, isalan-san mo nga itong mga lata. Yung mataas ha, kasingtaas ko, intiende?”

Sumunod si Gaude.

(Itutuloy)

BAKIT

BANYO

GAUDE

KASTILALOY

LANG

LOLO DUNE

LYKA

TITA LYKA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with