HINDI nakailag si Lolo Dune nang muling upa-kan ng suntok ni Lolo Kandoy. Sapol sa ulo ang Kastilaloy!
Hindi malaman ni Gaude ang gagawin sa pagkakataong iyon. Noon lang siya nakasaksi ng pag-aaway. Kahit matatanda ang nag-away, natakot siya sapagkat baka kung ano ang mangyari. Baka may mamatay! Maaa-ring matumba si Lolo Dune at tumama ang ulo sa sahig. O maaaring masama ang suntok ni Lolo Kandoy sa ulo at ikamatay ni Kastilaloy.
Napaatras si Gaude sa loob ng kuwarto. Patuloy naman ang dalawang matanda sa pag-aaway.
“Putang ina mo ka, huwag mong aawayin si Gaude. Kahit mas malaki ka sa akin hindi kita uurungan!”
“Sinberguenza! Isusumbong kita kay Mau. Hayop ka!” sabi ni Lolo Dune habang hinihimas ang ulo na tinamaan ng suntok.
“Magsumbong ka! Hindi na ako natatakot.’’
Akmang susuntukin uli ni Lolo Kandoy si Kastilaloy pero nagawa ni Gaude na awatin na ang dalawa. Lakas-loob na siya para maiwasan ang pagsasakitan.
“Hayup ka Kandoy, isusumbong kita kay Mau,” sabi ni Lolo Kastilaloy at umalis. Hinihimas nito ang ulo habang naglalakad palayo.
“Matapang ka lang sa bata!” sabi ni Lolo Kandoy.
“Tama na po, Lolo Kandoy. Baka po may mangyari pa e lalong problema.”
“Hindi na ako natatakot ngayon kahit isumbong pa niya kay Mau. Ngayon pa ba ako matatakot e matanda na ako.’’
“Tiyak na magsusumbong ‘yun Lolo.”
“Wala akong pakialam!’’
“Ipapaliwanag ko po kay Tito Mau ang lahat. Sasabihin ko, nagpipilit si Lolo Dune na pumasok sa room ko at gustong makita ang mga barya. Nang ayaw kong pumayag, nagpilit pumasok hanggang sa makita mo at sinaway dahil sa ginagawa sa akin.’’
“Mabuti pa nga ikaw na ang magsabi. Hindi ako paniniwalaan ni Mau. Tiyak na babaliktarin ni Kastilaloy ang istorya.’’
“Ako na po ang magsasabi kay Tito Mau.’’
“Nandiyan ba siya ngayon?”
“Wala po. Umalis sila ni Kyla.’’
“Pagdating, sabihin mo sa kanya. Huwag kang magpapauna kay Kastilaloy dahil delikado ako.’’
“Ako po ang bahala, Lolo.”
(Itutuloy)