^

True Confessions

Sinsilyo (73)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AKALA mo wala ka nang bibilangin ano? Marami pa!’’ sabi ni Tito Mau habang ipinakikita kay Gaude ang salansan ng mga lata na pawang may barya.

“Ang dami pa niyan, Tito Mau!’’

“Kaya nga ayaw kong may ibang taong makakapasok dito.’’

“Matagal na po bang nakaistak yan diyan?’’

“Matagal na. Taon na kaya dapat nang mabilang at maideposito.’’

Nakatitig si Gaude sa mga lata. Sa tingin ay matagal na nga ang mga lata roon sapagkat kinakalawang na ang ilang lata. Gaano kaya karami ang lata ni Lolo Kandoy sa mga nakasalansan? Number 3 ang lata ni Lolo Kandoy.

‘‘Nagtataka ka siguro kung bakit napakaraming lata na puno ng barya ano, Gaude?’’

Napatango na lang si Gaude kahit alam niya ang dahilan.

‘‘Kinita yan ng mga matatanda sa pamamalimos. Lahat sila namamalimos maliban kay Tatang Dune. Si Tatang Dune ang naghahanap ng mga lata para paglagyan ng barya. Siya rin ang nagdadala rito ng mga latang may barya. Sa kanya muna pinadadaan ng mga matatanda.”

Walang imik si Gaude. Tugma lahat ang mga sinabi ni Tito Mau sa sinabi ni Lolo Kandoy.

‘‘Hindi ko naman pinilit magpalimos ang mga matatanda, sila ang may gusto nun. Sila rin ang nagpasya na dito dalhin sa kuwarto ko ang mga barya.’’

Tugma rin iyon sa sinabi ni Lolo Kandoy. Araw-araw dinadala ang mga latang may barya sa kuwarto.

“Yung gastos sa ipinakakain sa kanila ay dito galing. At yung ginastos ko sa pag-eenrol mo ay galing din dito sa mga barya. Kaya iskolar ka ng mga matatanda. Malaki ang utang na loob mo sa mga matatanda.’’

Napatango si Gau­de. Alam na rin niya iyon.

‘‘Gusto ko sana, hu­wag mo nang mai­kuwento sa mga matatanda na nagbibilang ka ng barya. Huwag mong ikukuwento kung magkano ang nabibilang mo. Maaasahan ba kita Gaude? Basta huwag mo nang ipagsabi.’’

“Opo, Tiyo Mau.’’

“Salamat, Gaude. Siyanga pala, mamayang gabi magbilang ka na uli ha? Gusto ko matapos na ang pagbibilang para lumuwag na rito. Pati yang nasa cabinet gusto ko mabilang na rin. Malay mo may maisama na ako ritong tsik!’’

(Itutuloy)

BARYA

GAUDE

KAYA

LATA

LOLO KANDOY

MATAGAL

NAPATANGO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with