Sinsilyo (61)

“PAANO po kung hin­di mo ibigay ang napagpalimusan?” tanong ni Gaude kay Lolo Kandoy.

“Isusumbong ng sipsip na si Kastilaloy. Kabisado niya kung nagpalimos na kami. At alam niya kung sino pa ang hindi nagsasauli ng lata.”

“Paano po nalalaman?’’

“May numero ang lata sa ilalim. Alam niya kung kanino ang lata. Ako number 3.”

“Numero 3 po ang nasa ilalim ng lata?”

“Oo.’’

“Kaya po pala ma­raming lata si Lolo Dune o si Lolo Kastilaloy.”

“Oo. Nililinis niya ang mga iyon.”

“Kaya po pala naga­lit sa akin nang alisin  ko ang mga lata na nasa ilalim ng mesa. Huwag ko raw pakialaman iyon. Tonto raw ako.”

“Kung ako ang pi­nagsabihan niya nang ganun, ihahampas ko sa mukha niya ang lata. Akala yata panahon pa ng Kastila at ang tingin sa kapwa ay Indio. Alam mo ba yung Indio?’’

“Opo. Yun po ang tawag sa mga Pilipino ng mga mananakop   na Kastila.’’

“Mabuti alam mo.’’

“Si Lolo Kastilaloy po ang nagdi-distribute ng mga lata sa inyo, Lolo.”

“Oo. Kasi’y kinakala­wang ang lata dahil sa pawis kaya kailangang palitan. Yun lang ang trabaho ng Kastilaloy. Minsan namamalimos din ang tarantado pero madalang pa sa patak ng ulan. Kaya kami ang nagpapalamon sa kanya pero kung lait-laitin kami ay ganun na lamang.’’

“Ano po ang sabi ni Tito Mau sa hindi pagpapalimos ni Lolo Kastilaloy?”

“Wala! Hindi kasi niya kaya si Kastilaloy.”

“Kayo lang po ang kaya ni Tito Mau?”

“Parang ganun nga. Ewan ko. Ipina­pasa-diyos ko na lang. Basta, nabubuhay naman ako nang maayos e huwag nang magreklamo…”

(Itutuloy)

Show comments