^

True Confessions

Sinsilyo (39)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKABAWAS naman kay Gaude ang paglilinis sa bahay lalo na sa dakong salas mula nang hindi na dumadaan sa main door ang matatanda. Ang tanging nililinis na lang niya ay ang kusina kung saan ay doon nanggagaling ang matatanda sa oras ng pagkain. Pero mas kakaunti na dahil malapit lang ang kusina sa pinto.

Naisip din ni Gaude na tama rin ang na-ging pasya ni Tito Mau na maglagay ng ibang daanan para sa pang-emergency. Kung may mangyari sa mga matanda, mayroong dadaanan at hindi na kailangang dumaan pa sa kusina at salas para makalabas. Halimbawa ay kung magkasunog.

Okey ang plano ni Tito Mau. At pumabor nga sa kanya dahil nabawasan ang nialalampaso niya. Sa totoo lang talagang nagpuputik sa salas kapag nagsunud-sunod ang pagdaan ng mga matatanda. Madaling maglibag ang tiles. Kailangan pa niyang kutkutin ng basahang may sabon para maalis ang libag.

Minsan habang nila­lam­paso ang sahig ay nakita siya ni Tito Mau.

“Ano Gaude, wala bang nagrereklamo sa mga matatanda at hindi na sila nakakadaan sa salas?’’

‘‘Si Lolo Dune lang po, Tito. Sinabihan akong sinverguenza.’’

‘‘Huwag mong intin-dihin ‘yun.’’

“Sabi ko nga po e ikaw ang may utos.’’

“Masasanay din ang matatanda. Sa simula lang maninibago pero pag tumagal na, balewala na sa kanila ang pagdaan sa gilid.’’

‘‘O e di nakagaan sa iyo na walang dumadaan dito sa salas. Walang dumi ano?’’

‘‘Opo.’’

‘‘Siyanga pala, baka isang linggo akong mawala. Punta akong Baguio. Ikaw na muna ang bahala rito. Kayang-kaya mo namang alagaan ang mga matatanda.’’

Napatango si Gaude. Hindi kaya bangayin siya ni Lolo Dune?

(Itutuloy)

ANO GAUDE

HALIMBAWA

HUWAG

IKAW

ITUTULOY

KAILANGAN

LOLO DUNE

SI LOLO DUNE

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with