^

True Confessions

Sinsilyo (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, eksaktong alas-dose ay nakahanda na sa pagpasok si Gaude. Nagsusuklay siya sa harap nang maliit na salamin nang pumasok sa kusina si Lolo Kandoy. Tinotoo ang sinabi na bibigyan siya ng baon.

‘‘Etong baon mo, Gaude. Kuwarenta yan. Apat na tig-sampu. Mabuti at buo hindi katulad noong nakaraang araw na tig-pipiso. Hindi yan mabigat sa bulsa di katulad ng piso.’’

“Salamat po Lolo. Baka naman wala nang natira sa iyo.’’

‘‘Meron. Marami pa.’’

‘‘Salamat Lolo ha. Hindi ka ba aalis ngayon?’’

‘‘Hindi. Sa Biyernes ako aalis, simbang Quipao yun. Unang Biyernes pa.’’

‘‘Isara mo po ang gate pag-alis ko. Sabi ni Tito Mau, usong-uso ngayon ang salisi gang.’’

‘‘Salisi gang?’’

‘‘Opo. Yung biglang papasok kapag naiwang bukas ang pinto o gate.’’

“Noong araw wala naman niyan. Marami na kasing mahirap ngayon. Pero kahit maraming mahirap marami pa ring nagbibigay. Mas marami pa ngang nagbibigay na mahihirap kaysa mayayaman…’’

Hindi naunawaan ni Gaude ang sinabi ni Lolo Kandoy. Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon saka nagpaalam.

“Sige po Lolo, isara mo po ang gate.’’

“Anong binibili mo ng beinte na bigay ko?’’

“Ah, banana cue po at saka palamig,’’ sagot niya kahit hindi. Itinatago kasi niya ang binibigay nito.

“Nabubusog ka naman?’’

“Opo. Sige po Lolo.’’

Umalis na siya.

Kumakalansing sa bul­sa niya kapag humahakbang ang kuwarenta pesos na bigay ni Lolo Kandoy.

 

KINABUKASAN ng uma­ga, napansin ni Gaude ang mga bakas ng paa sa sahig sa salas. Sinundan niya ang bakas mula salas patungong kusina hanggang makalabas sa pinto. Putik ang nakakapit sa paa kaya bumakas sa makintab na sahig. Sino kayang matanda ang pumasok mula sa main entrance na hindi nagpahid ng paa? Laging may nakahandang basahan sa may pinto para pagpunasan ng paa.

Mabilis siyang kumuha ng basahan para linisin ang mga bakas. Pero bago niya nalinis iyon ay lumabas sa kanyang kuwarto si Mau. Nakita ang mga dumi. 

‘‘Ano ‘yan?’’

‘‘Bakas ng putik po galing sa paa.’’

“Sinong pumasok?’’

“Hindi ko po nakita? Nasa CR ako kanina nang may pumasok.’’

“Hindi kaya si Tatang Kandoy?’’

‘‘Hindi ko po alam.’’

‘‘Sige linisin mo at ang pangit tingnan.’’

Nilinis ni Gaude.

“Ano kaya at huwag na nating padaanin dito sa salas ang matatanda?’’

‘‘Saan po natin pada­daanin?’’

(Itutuloy)

ANO

LOLO

LOLO KANDOY

MARAMI

OPO

PERO

SA BIYERNES

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with