“TWENTY NINE po, Lolo Kandoy!†sabi ni Gaude.
“Ano?â€
“Twenty nine lang po bukas. Beinte nuwebe po.’’
“Beinte nuwebe? ‘Kala ko treinta na?â€
“Bakit po?â€
“Basta! Lumalabas ako ng a-kinse at a-treinta.’’
“Sa España ka po puÂmupunta?’’
“Oo!’’
Hindi na nagsalita si Gaude. Parang nasira ang mood ni Lolo Kandoy nang malamang twenty nine lang bukas. Hindi mahigop ang tinimplang kape ni Gaude.
“â€Kala ko a-trienta na bukas. Sabi kasi ni Indo kanina, a-trienta raw. Niloko ako ng matandang yun. Gagantihan ko siya!’’
Ang Indo na sinabi ni Lolo Kandoy ay ang isang matanda na nakatira sa malapit sa kanyang kuwarto. Madalas niyang makita na ang dalawa ang laging nag-uusap at magkasama sa paglabas. Gaya noong isang araw. Parang sila ang magkaibigan.
Maya-maya, tumayo na si Lolo Kandoy. Humakbang palabas.
“Lolo ang kape mo po!â€
“Ayaw ko na! Baka hindi ako makatulog. Bukas na lang ako magkakape. Tirhan mo ako ng pandesal ha?’’
‘‘Opo.â€
“Sayang, akala ko talaga ay a-treinta na bukas, beinte nuwebe lang pala!†sabi nito habang palabas sa pintuan sa kusina.
Napangiti na lamang si Gaude.
KINABUKASAN ng gabi, nagbilang at nagbalot ng barya si Gaude. Hindi naman umalis ng bahay si Mau. Hindi raw natuloy ang lakad. Habang nagbibilang at nagbabalot ng barya ay nakatingin si Mau. Hangang-hanga ito.
“Sanay ka nang magbilang at magbalot, Gaude!â€
“Opo. May sistema po ako kaya mabilis.’’
“Okey a. Ganyan nga kailangang may sistema.’’
“Pero matagal ko pa po siguro bago ito matapos. Masyadong marami po.â€
“Huwag mong madaliin. Talagang hindi mo matatapos yan. Marami ‘yan.’’
“Matagal mo sigurong inipon ito Tito Mau?â€
Tumango si Mau.
Nang mag-alas dose ng hatinggabi ay nagpaalam na si Gaude kay Mau. Inaantok na siya. Nahalata niya na matutulog na rin ito.
“Bukas, pag-usapan natin ang pag-eenrol mo, Gaude,†sabi ni Mau.
Tuwang-tuwa si Gaude.
(Itutuloy)