NAHIHIRAPANG humakbang si Lolo Kandoy nang magdaan sa harapan niya. Dahil siguro sa mga nakaÂsilid sa bulsa nito. Parang mga barya o mga bato dahil bilog na halos pumutok ang dakong hita. Imposible namang mga bato. Aanhin niya ang bato? Baka mga barya!
“May kanin pa?†tanong ni Lolo Kandoy nang nasa may kusina na ito.
“Opo. Ikaw na lamang po ang hindi pa kumakain. Kakain ka na po?â€
“Teka sandali at pupunta muna ako sa tirahan ko. Mayroon bang tutong?’’
“Meron po.’’
“Tutong ang ibigay mo sa akin. Ano ang sabaw?â€
“Sabaw po ng kinamatisang isda.â€
“Aba masarap isabaw sa tutong yun!â€
“Mainit pa ang sabaw, Lolo Kandoy.’’
“Sige babalik ako.â€
Lumabas na ang matanda. Halos hindi makahakbang sa bigat ng laman ng bulsa.
Matagal bago nagbalik sa kusina si Lolo Kandoy. Wala nang laman ang bulsa nito. Dala nito ang pinggan.
“Tutong lahat ang ilagay mo. Tapos sabawan mo. Gutom na gutom ako!â€
Sinandukan ni Gaude. Pawang tutong ang nilagay niya. Mapula ang tutong. Mabango. Halos umapaw ang pinggan.
“Sabawan mo!â€
Ibinuhos ni Gaude ang sabaw ng isda sa tutong. Napalunok ang matanda.
“Dito ka po kakain, Lolo Kandoy?â€
“Dun sa tirahan ko. Hindi ako mabusog dito.’’
“Ako na ang magdadala ng pagkain mo Lolo Kandoy.’’
“Huwag na! Kaya ko!’’
Hinayaan ni Gaude.
Gusto niyang siya ang maghatid para maitanong sa matanda kung ano ang laman ng bulsa niya kanina. Kaso’y ayaw magpahatid.
Baka mayroong ayaw ipakita si Lolo Kandoy sa loob ng kuwarto niya.
ISANG araw, umalis si Mau. May pupuntahan daw na mahalaga. Ipinagbilin muli ang mga “alaÂgang matanda†sa kanya.
Naglinis siya ng bahay. Hanggang mapansin niya na naiwang bukas ni Mau ang kuwarto nito.
Naisipan ni Gaude na linisin ang kuwarto. Hindi naman siguro magagalit si Mau.
Winawalis niya ang aliÂkabok sa ilalim ng kama nang makita ang mga lata na parang alkansiya. Nag-aalkansiya si Tito Mau?
(Itutuloy)