Sinsilyo (13)
“LABHAN mo nga itong mga damit ko, Gaude,†sabi ni Mau habang hawak ang mga damit at panÂtalon. “Itong isang ito ay unahin mong tuyuin at isusuot ko mamaya. Aalis uli ako. Kaya kaÂyang matuyo ‘yan?â€
“Kaya po Tito Mau. Uunahin ko na ito ngaÂyon para mamaya ay tuyo na.’’
“Sige, Gaude,†sabi at tatalikod na nang may mapansin sa sulok ng kusina.
“Aba ang linis na rito ah. Nawala na ang alikabok at pati mga basura. Umaliwalas ah!â€
“Opo. Nilinis ko po noong isang araw. Yun pong mga lata diyan na nakatambak ay isasama ko sana sa basura pero pinagalitan ako ng isang matanda. Pakialamero raw ako. Huwag ko raw pakikialaman dahil hindi naman yun basura.’’
Namaang si Mau. Nag-isip. Makalipas ang ilang saglit ay nagtanong, “Ano ba ‘yung pinakilalaman mo?â€
“’Yun pong mga basÂyong lata – sari-saring lata na parang takalan ng bigas at meron ding plastic. Nakatambak po kasi sa sulok. Iniipis po kasi at may nakita pa akong bubuwit.’’
“Ah, oo. Iniipon ‘yun. Huwag mo munang itaÂtapon.’’
“Kahit po mga kalawangin na at tinitirhan ng lamok?’’
“Oo. Huwag muna.’’
“Sige po, Tito Mau.’’
“Sino ba ang suÂmaway sa’yong matanda?â€
“Yun pong medÂyo mestisuhin na parang Kastilaloy.’’
“Ah si Tatang Dune…â€
“Dune po pala ang pangalan niya.’’
“Oo. Makulit yun at suplado. Kasi’y parang ang tingin sa sarili ay nakakataas siya. Mahusay mag-Spanish yun.’’
“Tinawag nga po akong tonto at estupido.â€
“Huwag mo nang pansinin,†sabi at tinapik siya sa balikat. “Sige labhan mo ang damit ko ha. Kailangang maisuot ko ‘yan mamaya.’’
“Opo.’’
Hapon, nagsasampay ng damit si Gaude nang makita si Lolo Kandoy. Paalis.
Nagpaalam ito.
“Aalis muna ako. Mamaya na ang balik ko.’’
“Opo Lolo Kandoy.’’
Umalis na ang matanda. Saan kaya pupunta? Kahapon, sinabi nitong a-kinse at suweldo ngayon. Ano kayang kaugnayan nun?
Gabi. Nakaalis na si Mau ay hindi pa dumarating si Lolo Kandoy.
Nang mag-alas-siyete, narinig niya ang pagpasok sa gate. Binuksan niya ang pinto.
“Ginabi ka po, Lolo Kandoy?â€
“Sulit naman!â€
Napansin ni Gaude na namumutok ang bulsa nito sa laman.
(Itutuloy)
- Latest