ANG sumigaw ay isang matandang lalaki. Ito ang matanda na nakita niyang nakikipagkuwentuhan sa isa ring matanda nung dumating sila.
“Huwag mong pakialaman ‘yan!†sabi nito at lumapit kay Gaude.
“Bakit po Lolo?â€
“Basta huwag mong pakialaman. Pakialamero!†sabi at pahablot na inagaw sa kanya ang sako na may lamang mga basyong lata at plastic.
Walang nagawa si Gaude kundi ibigay ang sako. Mahirap nang maÂkiÂpagtalo sa matanda. Mukhang istrikto ang maÂtanda. Baka kung ano ang gawin sa kanya.
Binitbit ng matanda ang sako at lumabas sa may kitchen. Nagtungio sa tirahan nila sa likod. Naiwan si Gaude na nagtataka. Ano kayang gagawin ng matanda sa mga basurang lata? Baka iniipon at ibebenta?
Hinarap na lamang ni Gaude ang pagwawalis sa pinagkunan ng mga lata. Pinagbahayan na ng ipis ang mga lata. Maraming itlog ng ipis ang nawalis niya. May napatay siyang mga ipis. Palagay niya matagal nang nakatambak ang mga lata sa sulok.
Dinadakot niya ang mga basura nang isang matanda ang lumapit sa kanya. GaÂling sa may pintuan sa likod ang matanda.
“Kakain na ako Totoy, luto na baga kanin?†tanong nito na nakatawa. Hawak nito ang isang malaking pinggan. Puting-puti ang buhok nito. Malago ang puÂting kilay. Brown ang mata.
“Opo, Lolo. Akina po ang pinggan mo at sasandukan ko ng kanin.’’
Iniabot ng matanda ang pinggan. Sinandukan ni Gaude ng kanin. Dalawang cup.
“Gusto ko yung may tutong,†sabi.
Sinandukan uli ni Gaude ng kanin. Kumuha sa ilalim at nakuha ang tutong.
“Saan ko po ilalagay ang gulay Lolo?â€
“Ilagay mo sa ibabaw ng kanin. Pati sabaw. Damihan mo ang sabaw.’’
Sumandok ng ginisang repolyo at Baguio beans at inilagay sa ibabaw ng kanin.
“Dadalhin ko po sa tirahan mo Lolo.’’
“Huwag na ako na.’’
“Mainit po.’’
“Kaya ko yan. Sanay ako sa init.’’
Ibinigay niya ang pinggan.
“Salamat, Totoy.’’
“Ano po ang pangalan mo Lolo?â€
“Kandoy.’’
“Ako po si Gaude.’’
Tumango si Lolo Kandoy at tinungo ang pintuan para lumabas. Parang hindi nga ito nainitan sa hawak na pinggan na may lamang kanin at gulay.
(Itutuloy)