^

True Confessions

Sinsilyo (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PERO ano Mau?’’

“Baka magulat si Gaude sa magiging trabaho niya. Kailangan ay matiyaga siya at mapagpasensiya.’’

“Matiyaga si Gaude, Mau. Mapagpasensiya rin ‘yan. Hindi ka mapapahiya sa anak ko. Mabait pa ‘yan.’’

“Halata namang mabait si Gaude pero yung matiyaga at mapagpasensiya ang talagang gusto ko.’’

“Talagang matiyaga yan at mapagpasensiya.”

“Sige. Isasama ko siya. Ihanda niya ang kanyang mga gamit, yung mga damit niya at school records. Para pag naroon na wala nang uwi-uwi. Mahirap kung kailan nasa Maynila na saka may nalimutan.’’

“Oo, Mau, sasabihin ko ihanda na niya ang mga damit at pati card niya sa school. Kailan ba ang balak mong pagluwas, Mau?”

“Mga tatlong araw ako rito, Enchong, Magpapa­kasawa muna ako sa sariwang hangin.’’

“E di absent ka sa trabaho mo, Mau?”

Hindi agad nakasagot si Mau. Nag-isip muna bago nakasagot. “A, oo. Absent ako. Pero tuloy din naman ang kita.’’

“Ang sarap ng buhay mo, Mau. Sana sumama na ako sa’yo noon sa Maynila. Di ba niyayaya mo ako noon. Pero tumanggi ako.’’

“Kasi’y mayroon kang pinupormahan noon na tsik.’’

“Oo. Sayang at hindi ako nakasama sa’yo. Sana maganda rin ang trabaho ko at maganda ang suot, katulad mo, he-he!’’

“Inuna mo kasi ang tsik. Tingnan mo ako.’’

“Wala ka pa ring asawa?’’

“Problema lang ang asa­wa. Puwede namang bumili ng por kilong karne eh. Maraming karne sa Maynila basta may pera.’’

Nagtawanan sila. Napa­tingin sa kanila si Gaude na noon ay nagsasaing. Alam ni Gaude kung ano ang “karne” na pinag-uusapan ng tatay niya at ni Mau.

 

ARAW nang pagluwas nila sa Maynila. Iyon ang unang pagluwas ni Gaude sa Maynila. Promdi talaga siya.

Pero kahit hindi pa nakakarating sa Maynila, alam niya kung ano ang dinaanan nila. Alam niya ang Luneta at Quiapo. Ma­dalas niyang makita sa picture at siyempre nakaha­wak na siya ng computer kaya nakapag-internet na rin siya. Isa pa, subject nila iyon sa high school.

Dalawang sakay ng jeep­ney ang ginawa nila nang makababa ng bus  galing probinsiya. Bumaba sila ma­kalampas ng riles ng tren.

Pumasok sa isang maliit na kalye na kasyahan lamang ang isang sasakyan. Isang lumang apartment   na nababakbak na ang pintura ang tinungo nila. Itinulak ni Mau ang pinto.

“Halika Gaude.’’

Pumasok sila. Pagpasok, dalawang matandang lalaki ang nakita niya. Nagtaka si Gaude.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

GAUDE

HALIKA GAUDE

MAU

MAYNILA

NIYA

OO

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with