KINABUKASAN din, ipinakita nina Sam at Aya kina Girlie at asawang si Mario ang farm na ima-manage nila. Ang farm na iyon ang dating sinasaka ni Tatay Ado noong nabubuhay pa. Pa-wang mga mangga, niyog at saging ang nakatanim. Lumawak ang lupain sapagkat nabili ni Tatay Ado ang mga katabing lupa. Nabili ni Tatay Ado sa tulong ng peÂrang ibinibigay ni Mama Brenda. Mga 20 ektarya ang lupain na pinagkukunan ng matatamis na mangga at mga saging na lakatan.
“Kayo na ang maÂmamahala ng lupaing ito, Girlie at Mario. Dito na kayo magtayo ng bahay. Hindi na kayo lilipat nang lilipat. Dito na kayo habambuhay. Hinding-hindi kayo magugutom dito at kikita pa para sa inyong kinabukasan at para na rin sa mga anak. Mapapag-aral n’yo ang mga anak.â€
“Maraming salamat Doc Sam,†sabi ni Girlie na umiiyak. “Hindi po namin malilimutan ito. Magsisimula kami rito.’’
“Ibinabalik ko lamang ang ginawang kabutihan ng iyong inang si Tita Lina sa akin noong ako ay sanggol pa. Ikaw ay sanggol pa rin, ayon sa kuwento ni Nanay Cion. Pinasuso ako ni Tita Lina para mabuhay. Kung hindi dahil sa kanya, baka patay na ako ngayon. Napakabuti ni Tita Lina.’’
Umiyak na si Girlie. Nakatingin si Mario na nabagbag din ang kalooban.
“Kung anuman ang problema ninyo ay ipaalam agad sa akin,†sabi ni Sam at pagkaraan ay nagpaalam na kina Girlie at Mario.
ILANG buwan pa ang lumipas. Hanggang natapos na ang school na pinagagawa ni Sam. Aabot sa opening ng klase. Magandang-maganda ang school. Tuwang-tuwa si Aya habang tinatanaw ang school.
“Natupad din ang pangarap ni Abdullah Al-Ghamdi, Sam. Matutuwa sigurado yun.’’
Tahimik lamang si Sam. Malungkot.
“Bakit Sam?â€
(Itutuloy)