^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (499)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAALALA ko po ang sinabi ni Tatay Ado at Nanay Cion noon na mayroon daw kayong bahay ni Mama. Nasaan po yon?”

“Wala na yun, Sam? Ipinagbili ko na makaraan ang ilang taon na mamatay sa pa-nganganak sa iyo ang iyong Mama. Palihim ko pa ngang ipinagbili dahil ayaw kong malaman nina Tatay Ado at Nanay Cion mo. Kasi kahit paano, natakot din ako sa kanila dahil nga bigla kitang inabandona noong kapapanganak mo. Pagkaraan kong maipagbili ang bahay at lupa ay nagpunta ako sa Bicol. Pero walang nangyari sa akin doon dahil mahirap din pala roon. Pagkatapos ay nagtungo ako sa Marinduque. Nagtagal din ako sa Marinduque. Nagtayo ako ng bakery. Kumita naman. Pero kapag pala walang pi­naglalaanang pamilya, tapon din nang tapon ang kita. Gastos ako nang gastos. Lagi akong nagpapainom sa mga barkada. Wala akong iniisip para sa kinabukasan. Naubos ang pera ko at balik sa pagiging trabahador sa koprahan at kung anu-ano pang mapagkakakitaan.

“Hanggang sa magbalik na uli ako rito. Pero hindi ako nagpapakita kina Tatay Ado at Nanay Cion. Nahihiya ako dahil sa nagawang pag-abandona sa iyo. Naisip ko, hindi kita dapat inabandona kahit na hindi kita dugo at laman. Patawad uli Sam. Matagal ko nang pinagsisihan yun.’’

“Kalimutan mo na yun, Tatay Felipe. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at hinaharap. Okey na naman ako. Sinuwerte nga at nga-yon nga ay nakita ko pa ang tunay kong ama. Maligaya na ako ngayon Tatay Felipe.’’

“Salamat sa pang-unawa mo, Sam.’’

“Walang anuman, Ta­tay Felipe.”

Pagkaraan ay nag-isip si Sam. Tila may balak para kay Felipe.

“Kung wala kang pa­milya Tatay Felipe, dito ka na sa bahay na ito. Ikaw na ang careta-ker nito. Ipinangako ko kasi kay Tatay Ado at Nanay Cion na hindi ko pababayaan ang bahay na ito. Maraming magandang alaala   sina Tatay Ado at Nanay Cion dito at siyempre si Mama Cristy. Tingnan mo po ang mga retrato nila at iniingatan ko. Mahalaga po na mayroong tao rito. Wala kang puproblemahin sa gastos dahil sagot ko lahat. Hindi ka na kailangang magtrabaho, Tatay Felipe.’’

Hindi agad naka­sa­got si Felipe sa sobrang pagkabigla at katuwaan din. Nang magsalita ay hindi maila-rawan ang kasiyahan.

“Salamat Sam! Maraming salamat!”

(Itutuloy)

AKO

FELIPE

NANAY CION

PERO

TATAY

TATAY ADO

TATAY FELIPE

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with