^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (498)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapagsalita  si Sam at nakatingin lang sa lalaking nag-pa­kilalang si Felipe. Siya raw ang asawa ni Cristy!

Pagkaraan nang ma­raming taon, ngayon lamang nakita ni Sam ang asawa ng kanyang inang si Cristy. Kahit minsan, walang naipakitang retrato ni Felipe ang kanyang Tatay Ado at Nanay Cion. At wala ring naikuwento ukol dito.

“Naparito ako para humingi sana ng tawad sa iyo, Sam,” sabi ni Felipe. “Malaki ang kasalanan ko sa’yo at sa nanay mong si Cristy. Iniwan na lang kita basta kina Tatay Ado at Nanay Cion. Kasi’y gulung-gulo ang isipan ko noon. Sana maunawaan mo ako, Sam…’’

Nabagbag ang ka­looban ni Sam sa sinabi ni Felipe.

Nilapitan niya ito at niyakap. “Wala po iyon, Tatay Felipe. Nauuna­waan ko ang kalaga­yan mo nun. Alam ko na na­saktan ka rin.’’

Si Felipe naman ang hindi nakapagsalita. Na­pakabait pala ni Sam.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko, Tatay Felipe?”

“Madalas akong du­madalaw dito nang palihim at nagtatanung-tanong ukol sa’yo. Hanggang sa malaman ko na namatay na raw sina Tatay Ado at Nanay Cion. Nalaman ko na ikaw daw ay isa nang doctor. Nitong mga nakaraang buwan, nalaman ko na nagpapatayo ka ng school dito…’’

“Ang ama ko pong Ara­bo ang nagpapagawa ng school. Nagki­ta po kami ng aking ama….’’

Napatangu-tango si Felipe.

“Halika sa aming bahay Tatay Felipe. Do­on tayo mag-usap at doon ka na rin kuma­in,” sabi ni Sam at saka pinakilala si Aya. “Siya­nga po pala, siya po ang aking asawa na si Aya.’’

Niyakap ni Aya si Tatay Felipe.

Nang nasa bahay na sila ay paulit-ulit pa ring humihingi ng tawad si Felipe kay Sam. Sobra-sobra ang pagsisisi nito.

“Kalimutan mo na iyon Tatay Felipe. Siyanga pala, saan ka po nakatira?’’

“Palipat-lipat ako ng tirahan, Sam.’’

“Wala kang pamilya, Tatay Felipe?”

“Wala. Hindi ako nag-asawa dahil wala naman akong kakayahang magkaanak.’’

(Itutuloy)

AYA

FELIPE

NANAY CION

SAM

SHY

TATAY

TATAY ADO

TATAY FELIPE

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with