^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (492)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“CONGRATS, my friend,” sabi ni Abdullah kay Numer at mahigpit na kinamayan.

“Shokran, sadik,” sagot naman ni Numer na ang ibig sabihin ay “salamat, kaibigan”.

Pagkatapos ay may ibinulong kay Numer. Walang tigil ang pasasalamat ni Numer kay Abdullah ma­tapos itong bulungan.

Pagkaraan ay nagbalik na sa mesa si Abdullah kung saan kasama sina  Sam at Aya.

“Anong ibinulong sa iyo ni Abdullah, Numer?” tanong ni Imelda.

“Yun daw gift niya para sa atin ay ibibigay niya kapag aalis na siya. At huwag daw nating bubuksan hangga’t hindi siya nakakaalis.’’

“Ha-ha-ha! Nakaka-suspense naman, Numer. Ano kaya ang regalo sa atin?”

“Hindi ko alam, Imelda. Hindi kaya isang bariles na langis?”

“Baka nga, Numer.’’

“Paano naman niya da­dalhin dito yun?”

“Hula ko, pera ang ibi­bigay niya sa atin, Numer.’’

“Iyan din ang kutob ko.’’

“Pero sana, huwag muna siyang umalis. Gusto ko magtagal pa rito si Ab­dullah. Sana mag-extend pa siya.’’

“Baka kailangan na siyang bumalik dahil malaki ang responsibilidad niya as Navy official.’’

“Sana makabalik uli siya rito ano?’’

“Posible yun, Imelda. Ngayong nagustuhan niya ang Pilipinas, tiyak na babalik ang ating kaibigan.’’

 

DUMATING ang araw ng pag-alis ni Abdullah. Hindi lumalayo si Sam at laging kinakausap ang ama. Parang masama ang loob ni Sam at aalis na ang ama.

Bago sila umalis ng hotel na tinutuluyan, may ibinigay si Abdullah kay Sam na big envelope. Huwag daw munang bubuksan iyon hangga’t hindi siya nakaaalis.

Pagkatapos ay si Numer naman ang tinawag at isang envelope din ang binigay. Huwag din daw bubuksan. Hintayin siyang makaalis.

 

NANG nasa NAIA na sila, mahigpit ang pa­alaman. Mahigpit ang ya­kapan.

Nang tunguhin ni Ab­dullah ang departure area ay lalo nang nalungkot sina Sam. Wala silang nagawa kundi kumaway kay Abdullah.

(Itutuloy)

 

ABDULLAH

ANO

ANONG

HUWAG

IMELDA

NUMER

PAGKATAPOS

SANA

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with