“ANO kaya ang ibinulong ni Abdullah kay Sam?†tanong ni Imelda kay Numer.
“Mahirap hulaan, Imelda. Baka naman tungkol lang sa retrato ni Cristy.’’
“Baka nga. Baka hiniling na ingatan ang picture ni Cristy.’’
“O baka naman sinabi na ni Abdullah ang ipamamana niya kay Sam.’’
“Baka nga.’’
Maya-maya pa nakita nilang nag-uusap sa may bintana sina Abdullah at Sam. Pakumpas-kumpas pa ang kamay ni Abdullah habang tiniÂtingnan ang kabuuan ng bahay. Pagkatapos ay dumungaw ito sa bintana at may itinuro kay Sam. Dumungaw din si Sam at tiningnan ang itinuturo.
“Ano naman kaya ang itinuturo ni Abdullah?â€
“Baka may nakitang kakaiba sa labas at tinanong kay Abdullah.â€
“Kakatuwa si Abdullah, ano Numer?â€
“Oo. Mabait yan. Kung yung ibang Saudi ay malupit at masungit, si Abdullah ay hindi. Bihirang makatiyempo nang ganyan kabait na Saudi.’’
Maya-maya biglang may naisip si Imelda.
“Kailan tayo pakakasal, Numer?â€
“Bukas, gusto mo?â€
“Puro ka biro, Numer. Kailan nga?’’
“Gusto ko bago umalis si Abdullah. Gusto ko, makita niya ang kasal natin.’’
“Kailan ba siya aalis?â€
“Wala siyang sinabi kung kailan. Pero para makasiguro tayo na naÂrito pa siya sa kasal natin, i-set na natin ang kasal next month. Plantsahin na natin.’’
“Sige Numer.’’
NATUPAD ang balak nina Numer at Imelda. Marami ang nasorpresa sa kasal nila. Hindi makapaniwala sina Aya at Sam na mag-asawa na ang dalawa. Si Abdullah ay masayang-masaya para sa dalawa. Mahigpit na kinamayan si Numer at pagkatapos ay si Imelda.
(Itutuloy)