^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (491)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANO kaya ang ibinulong ni Abdullah kay Sam?” tanong ni Imelda kay Numer.

“Mahirap hulaan, Imelda. Baka naman tungkol lang sa retrato ni Cristy.’’

“Baka nga. Baka hiniling na ingatan ang picture ni Cristy.’’

“O baka naman sinabi na ni Abdullah ang ipamamana niya kay Sam.’’

“Baka nga.’’

Maya-maya pa nakita nilang nag-uusap sa may bintana sina Abdullah at Sam. Pakumpas-kumpas pa ang kamay ni Abdullah habang tini­tingnan ang kabuuan ng bahay. Pagkatapos ay dumungaw ito sa bintana at may itinuro kay Sam. Dumungaw din si Sam at tiningnan ang itinuturo.

“Ano naman kaya ang itinuturo ni Abdullah?”

“Baka may nakitang kakaiba sa labas at tinanong kay Abdullah.”

“Kakatuwa si Abdullah, ano Numer?”

“Oo. Mabait yan. Kung yung ibang Saudi ay malupit at masungit, si Abdullah ay hindi. Bihirang makatiyempo nang ganyan kabait na Saudi.’’

Maya-maya biglang may naisip si Imelda.

“Kailan tayo pakakasal, Numer?”

“Bukas, gusto mo?”

“Puro ka biro, Numer. Kailan nga?’’

“Gusto ko bago umalis si Abdullah. Gusto ko, makita niya ang kasal natin.’’

“Kailan ba siya aalis?”

“Wala siyang sinabi kung kailan. Pero para makasiguro tayo na na­rito pa siya sa kasal natin, i-set na natin ang kasal next month. Plantsahin na natin.’’

“Sige Numer.’’

 

NATUPAD ang balak nina Numer at Imelda. Marami ang nasorpresa sa kasal nila. Hindi makapaniwala sina Aya at Sam na mag-asawa na ang dalawa. Si Abdullah ay masayang-masaya para sa dalawa. Mahigpit na kinamayan si Numer at pagkatapos ay si Imelda.

(Itutuloy)

ABDULLAH

ANO

AYA

BAKA

IMELDA

KAILAN

NUMER

SI ABDULLAH

SIGE NUMER

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with