^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (465)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAKA si Imelda kay Doc Sam. Bakit bigla itong nagkaroon ng inte-res sa kaibigan niyang si Noi­me? Walang kaalam-alam si Doc Sam na hindi na si Noime at asawa nitong si Tikboy ang kausap niya kundi si Numer.

“Bakit mo naitanong ang kaibigan kong si Noi­me, Doc Sam?”

“Kasi, Tita bigla kong naalala ang aking amang Saudi. Napagmasdan ko naman ang kanyang retrato at para bang bigla akong nagkaroon ng interes sa aking ama. Hindi ko maipaliwanag, Tita…’’

“Siyempre ganun ang nadarama ng isang anak na matagal na walang nagisnang ama.’’

“Di ba sabi ko sa’yo Tita, sapat nang makita ko ang larawan ng aking amang si Abdullah? Pero hindi pala. Para bang gusto kong mayakap ang aking ama. Ito ang nararamdaman ko Tita.’’

“Gusto mo na siyang makita nang personal?’’

“Oo Tita. May ma­gagawa pa kaya ang kaibigan mong si Noime?”

“Susubukan ko. Tatawagan ko siya mamaya at sasa-bihin ko sa’yo ang resulta.’’

“Salamat, Tita.’’

Tuwang-tuwa si Imelda sa pangyayaring iyon. Si Doc Sam na ang nagpipilit na makita ang amang si Abdullah.

SUMUNOD na Biyer­nes, tumawag muli si Numer. May magandang balita ito.

“Inanyayahan ako ni Abdullah sa kanyang opisina sa Batha. Marami pala siyang negosyo. Bukod sa tailoring shop at tindahan ng tela, mayroon din pala siyang palitan ng iba’t ibang currency. Ang opisina niya ay malapit sa Al-Rahji Building.

“Maganda ang office. Malinis. Habang nagkukuwentuhan kami, panay na panay ang salin nang masarap na tea sa aking baso. At alam mo ang sinabi niya, yung tungkol sa Pinay maid nila nun. Hindi raw niya malilimutan si Cristy. Lagi raw niyang naaalala si Cristy…’’

Hindi humihinga si Imelda habang nagsasalita si Numer.

(Itutuloy)

ABDULLAH

AL-RAHJI BUILDING

BAKIT

DOC SAM

IMELDA

NOI

NOIME

NUMER

TITA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with