^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (464)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPALITAN ng picture sina Imelda at Numer. Nang matanggap ng bawat isa, masayang nag-usap. Punumpuno ng pagkasabik.

“Ang ganda mo pala Imelda, para kang 40 anyos lang,” sabi ni Numer.

“Ikaw din, para kang 40 years old din.’’

“Hindi ba ako mukhang magsi-senior na?”

“Hindi. At guwapo ka nga pala.’’

“Parang hindi ka nani­niwala ha. To see is to believe, ha-ha-ha!’’

“Naniniwala na ako sa’yo. Pati ang sinabi mong binata ka e naniniwala na ako.’’

“E bakit nga ba hanggang ngayon ay binata ka pa rin, Numer? Huwag mong sabihin na niloko ka rin kaya wala kang partner. Baka katulad din ng ginawa ng dati kong kasintahan na si Melchor.’’

“Ah hindi. May kasinta­han din ako noon pero na­matay siya.”

“Nakakalungkot naman, Numer.’’

“Noon kasing nag-aaral ako sa kolehiyo ay working student ako. Library assistant ako noon at yung kasintahan ko ay kasamahan ko rin sa library. Doon kami nagka­ki­lala. Nagkaibigan at masaya. Laging magkasama kapag walang pasok. Marami ka­ming pangarap. Magta­tapos muna ng pag-aaral at maghahanap ng trabaho. Kapag may trabaho na ay tu­tulong sa amin­g mga magulang at pagsapit ng edad 26 ay magpapakasal. Na­tupad ang aming pangarap na makatapos ng pag-aaral. Nagtapos ako ng Education. Nakapagturo ako sa isang eskuwelahan. Siya naman ay sa Ortigas, sa banko kasi siya nagtatrabaho. Paglabas ko sa school ay pupuntahan ko siya at sabay kaming uuwi. Kung minsan, kakain kami o kaya manonood ng sine. Noong kami ay edad 25 na, napagkasunduan namin na magpakasal na sa susunod na taon, para eksakto 26 na kami….’’ Huminto si Numer sa pagkukuwento.

Natahimik.

“Numer? Andyan ka pa?”

“Oo.’’

“Ba’t natigilan ka? Anong nangyari?”

“Hindi natuloy ang kasal namin.”

“Bakit?”

“Namatay siya. Nagkaroon ng holdapan sa dyipni na sinasakyan niya. Natakot siya at tumalon sa dyip­ni. Nabagok ang ulo pagbagsak…’’

“Ang lungkot naman. Kakaawa ka naman, Numer.’’

“Mula noon hindi na ako umibig. Tinamad akong magturo at nag-saudi na lang.’’

“Kakaawa ka naman.’’
Napabuntunghininga si Numer. Pero nang magsalita ay may kakaibang saya.

“Pero ngayon, parang gusto nang tumibok muli ang aking puso.’’

Kinabahan si Imelda. Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa matapos ang kanilang pag-uusap.

“Tatawag na lang uli ako Imelda.’’

 

ISANG araw, kinausap ni Doc Sam si Imelda. Tungkol iyon sa babaing kaibigan ni Imelda sa Saudi. Tinanong ni Sam kung ano ang pa­ngalan ng babae. Nagtataka si Imelda.

(Itutuloy)

AKO

DOC SAM

IMELDA

KAKAAWA

NUMER

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with