“ANONG nangyari, Numer? Sumakay ka ba sa kotse ni Abdullah?†tanong ni Imelda na excited sa ikinuwento ni Numer.
“Oo. Kasi’y niyaya niya ako. Mahirap namang tanggihan ang anyaya niya. Isa pa’y isa siya sa mga big boss namin sa Saudi Navy. Baka pag tumanggi akong sumakay ay sabihin na ganito ba ang mga Pilipino masyadong mahirap alukin.’’
“Ano ang pinag-usapan n’yo habang nasa kotse?â€
“Tinanong niya ako kung saan pupunta?’’
“Anong salita niya Arabic o English?â€
“English. Mahusay siyang mag-English dahil nag-aral pala sa siya sa naval school sa US. Nag-schooling pala siya roon ng ilang taon.’’
“E Tagalog maru-nong din siyang magsalita.’’
“Nakakaintindi siya ng ilang salita. Kasi nga madalas niyang kausap ang mga Pinoy.’’
“Ah kaya pala.’’
“E di tinanong niya ako kung saan ako pupunta? Sagot ko ay sa Batha. Sabi niya, doon ang way nila dahil patungo siya sa kanyang negosyo. May tindahan pala siya ng mga tela at bibisitahin niya. Sabi ko hindi ba ako nakakaabala sa kanya. Mafi muskila raw…’’
“Ano nga yung mafi muskila, Numer. Nalimutan ko na. Hindi kasi natuto ng Arabic kahit nag-DH ako diyan.’’
“Ibig sabihin ng mafi muskila ay no problem. Wala raw problema sa kanya kahit sumabay ako.’’
“Ah yun pala ang ibig sabihin.’’
“Alam mo mayroon siyang sinabi bago ako ibinaba sa Batha.’’
“Ano yun Numer?â€
“Meron daw si-lang naging maid na Pinay noon.’’
Hindi humihinga si Imelda sa susunod na sasabihin ni Numer.
(Itutuloy)