Halimuyak ni Aya (456)

“MATAGAL ko nang kilala si Commodore Abdullah Al-Ghamdi. Sa tagal ko nang nagtatrabaho sa Royal Navy, kilala ko nang lahat ang mga opisyal dito,” sabi ni Numer na para bang matagal na silang magkakilala ni Imelda kahit noon lang nagkausap.

“Talaga, Numer? Matagal ka na ba talaga diyan?’’

“Oo. Narito na ako noong Gulf War. Naka-gas mask kami rito ka­pag sumisirena pa-latandaan na nagpalipad ng Scud si Saddam. May bumagsak ngang Scud dito malapit sa Royal Navy pero wala namang casualty. Isa pa, nasa bomb shelter kami.’’

“Ako naman, ay umuwi nang panahon ng Gulf war at saka nagbalik makaraan ang giyera.’’

“Nasabi nga sa akin ni Tikboy. Magkapitbahay yata ang mga amo ninyo noon sa Naseem.”

“Hindi sina Tikboy at Noime kundi yung kapatid na matanda ni Noime ang talagang kaibigan ko.’’

“Ah ganun ba. Akala ko sina Tikboy at Noime. Mali yata ang pagkaintindi ko. Bingi na yata ako, he-he!”’

“Bata pa sina Noime at Tikboy, mga 30-anyos lang yata silang mag-asawa, e ako malapit nang mag-senior.’’

“Pareho nga tayo. Malapit na rin akong mag-senior.’’

“E ano nga ang po­sisyon mo diyan sa Saudi Navy, Numer?’’

“Documentation Spe­cialist ako, Imelda.’’

“Ano ba yung documentation specialist, Numer?’’

“Yung bang nagma-manage ng mga documents. Nagki-create, nagdo-dokumento, nagpa-file, etc. Mula sa ibang documents ay iko-consolidate into one file.’’

“Ay ang hirap pala ng trabaho mo.’’

“Hindi naman. Sanayan lang.’’

“Mataas siguro ang pinag-aralan mo, Numer?’’

“Education graduate ako. Balak ko sanang magturo pero naakit akong mag-Saudi.’’

“Ah, teacher ka pala. Ako, nakaabot lang ng first year sa college. Naulila na kasi ako at hindi na nakapagpatuloy. Itutuloy ko sana pero, nahiya na ako dahil may-edad na.’’

“Kahit naman may-edad na puwedeng magpatuloy sa pag-aaral.’’

“Pag-iisipan ko nga.’’

“E teka tungkol kay Abdullah, nasabi ko kanina na may posibilidad na magkita sila ni Doc Sam dahil madalas ko ngang makausap si Commodore. Mabait nga kasi siya at gusto niyang empleado ay mga Pinoy.’’

“Paano mo sasabihin sa kanya ang tungkol kay Doc Sam?’’

“Ako ang bahala, Imelda. Ngayong nag­kausap na tayo, madali na kitang ma­tatawagan para balitaan.’’

“Ako ang tatawag sa’yo, Numer kakahiya naman.’’

“Ako na lang, Imel­da.’’

(Itutuloy)

Show comments