Halimuyak ni Aya (448)

MAKARAAN ang isang linggo ay muling kinontak ni Tita Imelda si Noime sa Riyadh. Noon ay Biyernes. Mabait naman si Noime at handang tulungan si Tita Imelda.

“May bago ka na bang balita ukol kay Abdullah Al-Ghamdi, Noime?’’

“Opisyal po ng Saudi Navy si Abdullah Al-Ghamdi, Ate. Nabanggit ko na po yata ito sa inyo nung huli tayong mag-usap.’’

“Oo. Nasabi mo nga pero malabo  kung totoo. Parang hindi ka sure sa inpormasyon.’’

“Sure na po, Ate. Tala­ga pong isang opisyal sa Royal Saudi Navy si Abdullah. Tenyente po ang ranggo.’’

“Paano mo nalaman, Noime?”

“Dahil po sa mister ko, kay Tikboy. Magkasama kami rito ni Tikboy dahil siya ang family driver. Yun pong drayber sa katabing bahay nina Abdullah Al-Ghamdi ay Pilipino rin. Bahay pong luma nina Abdullah ang sinasabi ko, Ate. Yung Pinoy po ang nagsabi na sa Saudi Navy nga si Abdullah.’’

“Ang husay mong mag-research, Noime. Nagkaroon agad ng liwanag sa pinahahanap sa akin. Mabuti naman at nakilala agad ni Tikboy ang drayber na Pinoy din.’’

“Si Tikboy po kasi ay mahilig makipagkaibigan. Halos lahat nang Pinoy drayber ay kinakausap niya.’’

“So may posibilidad na malaman natin kung saan sa Riyadh ang headquarters ng Navy. Tiyak na naroon si Abdullah dahil nga mataas ang posisyon.’’

“Sabi po ni Tikboy, sa Airport Road daw ang Navy. Hindi ko naman po alam kung saan iyon. Ikaw po Tita, alam mo ang Airport Road dito.’’

“Narinig ko na ‘yan at siguro nakadaan na rin ang sinasakyan ko noon diyan pero hindi ko matandaan.’’

“Kapag daw dineretso ang Airport Road ay yung Batha ang lalabasan.’’

“A oo, alam ko na ‘yan. Na­kadaan na ako dyan noon. Puwedeng dumaan diyan patungong Pepsi Road at Sitten Road yata yun.’’

“Basta po sabi ni Tikboy, dun daw sa Airport Road nagpapahatid si Ab-dullah, kuwento ng dray­ber na Pinoy.’’

“Puwede kayang ma­kakuha ng latest picture  ni Abdullah, Noime?”

“Sasabihin ko po kay Tikboy. Mahusay po si Tikboy na gumawa ng paraan.”

“Salamat Noime. Sa-lamat din kay Tikboy. Tata­wagan uli kita sa Biyernes ng umaga.’’

“Opo, Ate. Sige po.”

(Itutuloy)

Show comments