Halimuyak ni Aya (445)

“HINDI ka na napapagod, Paolo sa pagtutulak ng wheelchair ko?” tanong ni Dra. Sophia. Nasa hardin sila. Bago pa lamang su-misikat ang araw.

“Hindi. Kahit kailan hindi ako mapapagod.’’

“Oww?”

“Talaga naman. Noong nasa ospital ka at walang malay, dinasala ko sa Diyos na huwag ka munang kunin sa akin. Marami pa akong dapat patuna­yan sa iyo at marami pa akong pagkukulang. Mabait ang Diyos at hindi ka niya kinuha.’’

Ibinaling ni Dra. Sophia ang tingin kay Doc Paolo. Nakangiti. Maya-maya may dalawang butil ng luha na gumulong sa pisngi.

Maagap naman si Doc Paolo at agad pinahid ng panyo ang luha.

“O huwag kang lumuha. Ayaw kong makitang lu-muluha ka Sophia.’’

“Luha ito ng kaligayahan, Paolo. Ngayon ko kasi labis na nadarama ang pagmamahal mo. Salamat, Paolo.’’

“Marami pa akong pagkukulang, Sophia. At pa-ngako ko, lahat iyon ay pu­punuan ko. Aalagaan kita hanggang sa wakas.’’

Sa halip na magsalita, kinuha ni Doktora ang pa-lad ni Doc Paolo at pinisil. Ginantihan naman ni Doc ng pagpisil din. Punumpuno sila ng pagmamahalan. Walang makakapantay.

 

MINSAN, napansin ng mag-asawa si Tita Imelda na walang tigil sa paglilinis ng mga pigurin sa salas. Pinupunasan ang mga gamit na nakadispley.

“Bakit ikaw ang guma­gawa niyan Imelda? Hindi ka katulong dito. Ipaubaya mo ‘yan sa mga katulong,” sabi ni Doktora.

“Oo nga. Magpahinga ka Imelda.”

“Hindi naman mabigat ang trabahong ito. Para nalilibang din ako.’’

“Matagal ka nang nagtatrabaho kaya ipaubaya mo ‘yan sa mga nakababata,” sabi ni Doktora.

Maya-maya may tina­nong si Doc Paolo kay Tita Imelda. Seryoso ito.

“May balita ka pa ba sa father ni Sam? Yung Saudi? Abdullah ba ang name?” (Itutuloy)

Show comments