PARANG may pista sa malaking bahay nina Doc Paolo at Dra. Sophia. Mula nang maging mag-asawa sina Sam at Aya ay doon na rin sila nakatira. IsiÂnama rin nila roon si Tita Imelda at katagalan ito na ang naging tagapamahala at tumitingin sa mga maid. Si Tita Imelda rin ang nag-aasikaso sa mga condo units nina Sam at Aya. Minsan isang linggo kung magtungo sa condo si Tita Imelda kasama ang isang kasambahay.
Tuwang-tuwa ang mga maid at drayber ng mag-asawa sapagkat muli nilang makakasama si Doktora mula nang maÂlagay sa bingit ang buhay, Pangalawang buhay nito kaya masayang-masaya sila. Maraming niluto. Isang malaking selebrasÂyon ang gagawin sa araw na iyon na lumabas sa ospital si Dra. Sophia.
Isa si Tita Imelda sa mga namahala sa mga inihandang pagkain.
Nag-iyakan ang mga maid nang makita si Doktora at isa-isang yumakap sa mabait na amo.
Napaiyak din si Doktora sa ipinakita ng mga maid.
Nagsalita si Doc Paolo, “Salamat sa inyo, alam ko nasisiyahan kayo dahil naÂrito at kasama nating muli si Doktora. Salamat sa dasal ninyo. Salamat sa Diyos at binigyan si Doktora nang panibagong buhay. Alam ko, matagal pa natin siyang makakasama. Mabait ang Diyos dahil dininig ang ating mga panalangin…’’
Nagpalakpakan ang lahatÂ.
“Sige, kumain na tayo at magsaya dahil kasama na natin si Doktora!â€
Masayang kumain ang lahat.
Si Doc Sam at Aya ay nasa sulok at masayang nag-uusap.
“Mabait talaga ang DiyosÂ, Aya.’’
“Oo, Sam. NapakaÂbait!â€
MADALAS ipasyal ni Doc Paolo si Doktora sa kanilang malawak na hardin. Habang malamig pa ang sikat ng araw, dinaÂdala na niya ito sa hardin.
“Saan mo gustong pumunta, Mahal?â€
“Dun sa lilim.’’
Dinala ni Doc Paolo at doon sila masayang nag-usap. Kapag mainit na ang araw, dadalhin na niya ito sa loob ng bahay.
(Itutuloy)