“AKALA ko Sam, wala ka nang interes sa pinagmulan mong lahi? Akala ko, sarado na ang lahat nang may kaugnayan kay Abdullah Al-Ghamdi?’’ tanong ni Tita Imelda na may garalgal ang boses.
Nakangiti naman nang sumagot si Sam.
“Wala na nga akong interes na makilala siya, Tita. Imposible rin naman kasi na kilalanin niya ako. Ang gusto ko lang ay may makita na anyo niya. Ano ba ang hitsura niya? Kamukha ko ba siya. Yung lang, Tita at wala nang iba pa…’’
‘‘Ibig sabihin nasasaÂbik ka rin sa iyong ama. Nauunawaan kita Sam. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo.’’
“Meron ka-yang posibilidad na makakuha tayo ng impormasÂyon o retrato niya Tita?’’
“Susubukan ko, Sam. Tatawagan ko o ang aking kaibigan na hanggang ngayon ay domestic helper pa rin doon. Maaa-ring may kontak pa siya sa dati naming amo…’’
“Salamat po Tita. Pero kung mahihirapan ang sinasabi mong kaibigan sa paghanap ng impormasyon sa aking ama, okey lang na hindi makakuha. Ang sa akin po ay kung mayroon lang pagkakataon….’’
“Gagawin ko ang aking makakaya, Sam.’’
“Salamat po uli, Tita. Siyanga po pala, kung wala kang kasama sa iyong bahay at sabi mo ay wala ka ring kamag-anak na narito sa Metro Manila, sa amin ka na tumira. Matutuwa si Aya kung sa amin ka titira. Kilala ka na ni Aya noon pa. Kapag sa akin ka nakatira, maaalagaan kita.’’
‘‘Salamat Sam. Hindi ako tatanggi sa anyaya mo dahil matanda na ako. Pero bago ako tumira sa inyo, gusto kong matupad ang pangako sa’yo. Hahanap muna ako ng impormasyon ukol sa iyong ama -- kay Abdullah Al-Ghamdi.’’
MAKALIPAS ang ilang linggo, nagbalik si Tita Imelda kay Doc Sam. Dala na nito ang retrato ni Abdullah Al-Ghamdi.
(Itutuloy)