Halimuyak ni Aya (432)

“ANG gandang pagmasdan ng araw habang unti-unting tumataas ano Aya?” sabi ni Sam habang nakaakbay kay Aya. Sabay silang nagi-sing ng umagang iyon.

“Oo nga Sam.       Orange pala ang kulay.’’

“Pero habang tumataas ay nawawala ang kulay.’’

“Lalong nakaka­dagdag ng pag-asa ang sikat ano, Sam. Pakiramdam ko, punumpuno ako ng pag-asa ngayong magkasama na ta-yong dalawa at hindi na magkakahiwalay pa.’’

“Siguro kung nakikita tayo ni Mama Brenda ngayon,  masayang-masaya rin siya.’’

“Oo nga Sam. Baka nga nang ikasal tayo kahapon, nanonood siya at maligayang-maligaya.’’

“Natupad ang si­nabi niya para sa atin na tayong dalawa ang magkakasama habambuhay. Nata­tandaan ko ang sinabi niya na huwag daw kitang pababayaan. Tayong dalawa ang dapat na magkatuluyan.’’

“Bisitahin uli natin ang libingan ni Mama, Sam.’’

“Oo.”

Niyakap ni Aya si Sam. Hinalikan ang mabalahibong dibdib.

“Mahal na mahal kita Sam.’’

“Mahal na mahal din kita Aya.’’

Umalis sila sa tabing bintana at nagbalik sa higaan. Muli silang nagmahalan. Sinimsim muli ni Sam ang halimu­yak ni Aya.

 

MAKALIPAS ang isang buwan, nasa clinic niya si Sam nang lumapit ang kanyang secretary.

“Doc Sam, may naghahanap pong babae sa’yo.”

Gulat si Sam.

“Papasukin mo.’’

(Itutuloy)

Show comments