^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (430)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“At siyempre, ikaw din Sam. Gusto ko asikasuhin ka. Ikaw at ang mga magiging anak natin ang magiging prayoridad ko. Kaya bukas, magsa-submit na ako ng resignation paper. Sabagay noon pa man, alam na ng mga kasamahan ko ang plano ko.’’

“Salamat Aya. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Kaya nga excited ako sa araw ng kasal natin.’’

“Malapit na Sam.’’

“Tamang-tama naman na narito na nga si Papa at siya ang maghahatid sa’yo sa altar.’’

“Oo Sam. Malaking regalo nga para sa akin na si Papa ang maghahatid sa akin sa altar.’’

“Akalain mo, eksakto ang pagbabalik ni Papa sa araw ng kasal natin.’’

“Oo nga Sam. Akala ko nga wala nang pag-asa na magkita pa kami ni Papa.”

“Magandang palatandaan sa ating pagsasama, Aya. Pagkaraaan nating malampasan ang lahat ng mga pagsubok, pawang mga magaganda ang kinakaharap natin.’’

Naputol ang pag-uusap nina Aya at Sam nang tawagin sila ni Doc Paolo at Dra. Sophia.

“Mayroon kaming sasabihin sa inyong dalawa pagdating sa bahay,” sabi ni Dra. Sophia.

“Mahalaga ang aming sasabihin,” sabi ni Doc Paolo.

“Opo Tita, Papa,’’ sabay na sagot ng dalawa.

Nang dumating sila sa bahay ni Dra. Sophia, binuksan agad ang mahalagang sasabihin. Si Doktora ang nagsabi.

“Sa inyong dalawa namin ipamamana ang lahat nang aming ari-arian. Sinasabi na namin ngayon pa lang para malinaw. Noon pa, ito na ang aking plano.’’

Hindi makapagsalita sina Sam at Aya. Napa­kasuwerte nila. Walang kasing­-suwerte.

 

HANGGANG duma­ting ang araw ng kasal nina Sam at Aya. Walang kasingsaya ang nadama ng dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

DOC PAOLO

DRA

KAYA

OO SAM

OPO TITA

SALAMAT AYA

SAM

SI DOKTORA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with