Halimuyak ni Aya (429)
“AKALA ko, wala nang pag-asang magkabalikan sina Papa at Tita Sophia,†sabi ni Aya. “Kasi nga nahumaling na si Papa sa babae niya na sa dakong huli ay lolokohin lang pala siya. Kailangan palang maranasan muna niyang maloko ng kinakasama para makita ang kahalagahan ni Tita.’’
“Sa palagay mo, saan na titira si Doc Paolo, este si Papa, ngayong nagkasundo na sila?â€
“Palagay ko sa bahay na nila. Parang narinig ko kanina na yun ang pinag-uusapan nila.’’
“Mas mabuti nga na doon na siya tumira para mayroon kayong kasama. Kaya lang ako naman ang mawawalan ng kapitbahay sa condo. Masarap din na sa condo si Papa dahil nagkukuwentuhan kami pagdating ko galing sa ospital. Tiyak na malulungkot ako, Aya kapag hindi na sa condo nakatira si Papa.’’
“E hindi naman magtatagal at ikakasal na tayo. Mayroon ka nang kasama habambuhay.’’
“Sabagay nga. Two weeks from now, magkasama na tayo sa iisang kama. Masisimsim ko na ang halimuyak ni Aya…’’
“Hoy may makarinig sa’yo. Baka akalain kung ano ang sisimsimin mo.’’
“Nektar ang sisimsimin ko.’’
Sumimangot si Aya pero hindi galit.
“Siyanga pala Aya, hindi kaya magbalik sa kanyang medical practice si Papa ngayong nagkabalikan na sila ni Tita?’’
“Posible yun. Bakit mo naitanong?â€
“Paano kung siya na ang gawing medical director ng ospital? Paano kung palitan ako. Paano ako?â€
“Hindi mangyayari yun. Hindi ka aagawan ni Papa ng posisyon. Hindi naman ganoon si Papa. Ang mahal ko ay mahal din niya.’’
“Naisip ko lang naman ‘yan dahil alam ko maÂhusay na doctor ang papa mo at dahil siya ang dating director mas kabisado niya ang trabaho.â€
“Mas mahusay ka kaysa kay Papa. Kilala kita, Dr. Sam.’’
“Salamat Aya.’’
“Alam mo ang balak ko kapag nagkaanak na tayo?’’
“Ano?â€
“Titigil na ako sa pagwo-work. Magko-concentrate ako sa mga anak natin. Gusto ko lagi silang masubaybayan.’’ (Itutuloy)
- Latest