MATAGAL na nakaalis sina Julia at George ay masayang-masaya pa rin si Aya sa mga nangyari sa kanila. Sa isang iglap ay naging matalik silang magkaibigan ni Julia. Sino ang mag-aakala na ang mahigpit niyang karibal kay Sam ay magiging kaibigan pala niya. Mahirap paniwalaan pero totoo. At pakiramdam ni Aya, hindi lang basta kaibigan ang nadarama niya kay Julia kundi parang kapatid na. Sabik siya sa kapatid.
Ikinuwento ni Aya kay Sam ang mga balak ni Julia sa hinaharap. Balak palang mag-abroad ni Julia. Madali lang daw magpunta sa Canada.
“Kailan daw, Aya?’’ tanong ni Sam.
“Matagal pa raw. Pero si George pa rin ang magpapasya.’’
‘‘Magkasundong-magkasundo sila ano?’’
“Oo. Nainggit tuloy ako dahil next month e ikakasal na sila.’’
“E di magpakasal na rin tayo. Sabayan kaya natin sila?’’
“Paano ang pagkuha mo ng board exams?’’
“Madali lang yun.’’
“Ayoko, Sam. Basta ituloy natin ang unang plano. Kukuha ka ng Board Exams at pagkalipas ng isang taon, magpakasal na tayo. Wala nang makapipigil.â€
“Ikaw ang bahala. Sunud-sunuran ako, Aya.â€
SUMUNOD na araw, pinuntahan nina Sam at Aya si Dr Sophia del Cruz. May ginagawa sa laptop ang doktora nang dumating sila. Gulat na gulat.
“May problema ba kaÂyong dalawa kaya kayo napasugod dito?’’
“Wala po Tita,†sabi ni Aya. ‘‘Dinadalaw ka lang po. Miss kana na namin.’’
“Ako man, miss ko na kayong dalawa. Matagal-tagal din kayong hindi nagtungo rito.’’
“Busy po ako sa review at si Aya naman ay sa work niya.’’
“A oo. Teka, kailan ba Board Exam mo Sam?’’
“Bukas na po, Tita.’’
“Good luck, Sam. Alam ko, kayang-kaya mo ‘yan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na mayroon kang magandang hinaharap.’’
“Salamat po Tita.’’
Lumapit si Aya kay Doktora.
‘‘Tita, may mahaÂlaÂga akong sasabihin sa’yo. Mayroon po akong ipagÂtatapat sa’yo.’’
(Itutuloy)