WALANG kamalay-malay si Aya na ang baÂbaing pakakasalan ni George ay si Julia na kaagaw niya kay Sam. Para namang pinagtiyap ng pagkakataon na biglang naalala ni Aya si Julia.
“E yung si Julia na malaki ang pagkagusto sa’yo nasaan na siya, Sam?’’
Nagulat si Sam sa tanong. Hindi niya aka-laing magtatanong ukol doon si Aya.
Nagmaang-maangan si Sam.
“Wala akong balita sa kanya.’’
“Baka may asawa na siya?’’
“Posible.â€
“Baka naman nasa ibang bansa na.’’
“Puwede rin.’’
“Ang laki nang pagkagusto sa’yo ni Julia ano, Sam?’’
“Hindi ko alam,†sabing nakangiti.
“Huwag mong sabihing manhid ka. Noon pang maliliit tayo at nagpupunta kami ni Mama sa inyo sa probinsiya, halatang-halata na napakalaki nang pagkagusto sa’yo. Di ba minsang umuwi kami ay nagpapaturo sa’yo sa isang subject at kitang-kita ko na parang nainis siya nang makita ako. Para bang sinasabi niya na ‘istorbo’ ako sa inyo.’’
“Talaga, napansin mo ‘yun?’’
“Maang-maangan ka pa. Alam ko nararamdaman mo.’’
“Hindi ko nga alam. Basta ang alam ko lang, isang babae lang ang naramdaman kong may malaking pagnanasa este pagmamahal sa akin at iyon ay walang iba kundi ikaw.â€
“Ang galing mong mambola.’’
“Totoo nga, Aya.’’
“Talagang hindi mo naisip na samantalahin ang malaking pagkagusto sa’yo ni Julia.’’
“Nope!â€
“Talaga?’’
“Peksman.â€
“Korni.’’
“Mag-bo-board exam na kami next week. Pagkatapos kong makapasa, pakasal na tayo, Aya. Walang mababago sa plano natin.’’
“Opo, Doktor Sam.’’
“Si Tita Sophia ang isa sa magiging ninang natin,’’ sabi ni Sam na ang tinutukoy ay si Dr. Sophia del Cruz asawa ng daddy ni Aya.
“Di ba siya pa nga ang nagsabi na kapag ikakasal tayo ay ninang siya.’’
“Matutuwa tiyak si Tita. Teka, ano na kaya ang balita kay Dr. Paolo --- sa Daddy mo?â€
Napabuntunghininga si Aya.
“Huwag na natin siyang pag-usapan, Sam. Basta, tuloy ang kasal natin.’’
“Tuloy na tuloy, Aya.â€
ISANG araw, tinawagan ni George si Sam. Hiniling magkita sila.
Nagkita sila sa isang restaurant. Tuwang-tuwa si George. Ibinalita na ikakasal na sila ni Julia.
(Itutuloy)