Halimuyak ni Aya (382)
DALAWANG oras naghintay si George kay Sam sa labas ng review center. Hindi na siya nagdala ng sasakyan.
Nang makita niyang palabas na si Sam ay hindi siya nag-aksaya ng panahon. Nilapitan niya ito. Plantsado na ang plano niya sa gagawing pagtatapat kay Sam. Kabisado na niya ang mga sasabihin.
‘‘Sam, good afternoon. I’m George, mayroon lang akong mahalagang sa-sabihin sa iyo.’’
Nakatingin lang si Sam. Nabigla sa paglapit at pagsasalita ni George. Matagal bago naibuka ang bibig.
‘‘Paano mo ako nakiÂlaÂla, Sir?’’
“Dahil kay Julia.’’
Natigilan si Sam. Anong kinalaman ni Julia rito. Nagduda na si Sam. Baka mayroong balak si Julia.
“Excuse me, anong ibig sabihin nito. Maaari akong tumawag ng guÂwarÂdiya kung mayroon kang balak sa akin.’’
“Sam, wala akong balak. Ang totoo, mayroon akong ipagtatapat sa iyo. Mahalaga ito. Kailangang malaman mo dahil may masamang balak sa iyo at sa siyota mong si Aya. Puwede ba tayong mag-usap?’’
Nag-isip si Sam. MukÂhang nagsasabi ng totoo ang lalaking kaharap niya.
“Sige.’’
“Sa isang restaurant tayo.’’
Nakita ni George ang isang taxi. Kinawayan. LuÂmapit at sumakay sila. Nagpahatid sa isang mall. Sa isang restaurant sila nagtuloy.
Lumapit ang isang crew at inabot ang menu. Umorder sila.
Habang naghihintay, waÂlang gatol na sinabi ni George ang balak ni Julia.
“Pinaliligawan sa akin ni Julia si Aya. Agawin ko raw sa iyo si Aya. Kapag naÂkuha ko na raw si Aya, malaya na siya para makuha ka naman. Lahat daw ay gagawin niya para maagaw ka, Sam. Bahala raw ako kung ano ang gagawin kay Aya.’’
‘‘Ayaw talaga akong tiÂgilan ni Julia. Sisirain pa ang pagsasama namin ni Aya.’’
‘‘Atat na atat siya sa iyo, Sam.’’
‘‘Pero bakit naisipan mong ibulgar ang balak ni Julia?’’
“Hindi ko ugaling manira ng isang magandang pagsasama. Hindi ako masama, Sam.’’
“Ano namang ibabayad sa’yo ni Julia?’’
“Katawan niya.’’
Napatitig si Sam kay George.
“Totoo bang sinasabi niya?’’
“Yun ang sabi niya. BiÂbigyan pa raw ako ng bonus.’’ (Itutuloy)
- Latest