“SANA naman kapag may anak na kayo e ganito pa rin ang relasyon natin,†sabi ni Dra. Sophia.
“Opo, Tita wala pong maÂbabago kahit na magkaro-on kami ng anak ni Sam.’’
“Sana rin huwag magbago ang pagtitinginan n’yong dalawa. Kasi masasaktan ako kapag nagkaroon kayo ng problema. Gusto ko sana pangha-bambuhay ang pagsasama n’yong dalawa. Isang masayang pamilya na walang magbabago sa isa’t isa.’’
“Hindi po ako magba-bago, Tita,†sabi ni Aya.
“Aywan ko lang po si Sam…â€
“Ganundin po ako, Tita hindi po ako magbabago,†sabi ni Sam.
“Mabuti naman,’’ sabi ni Doktora habang nakaÂtingin kay Sam. Naalala naman ni Sam ang “mahiwagang tawag†sa kanya noong nasa condo ni Julia.
“Ngayon pa lang exci-ted na ako sa kasal n’yong dalawa kaya talagang pipilitin kong gumaling agad. Mabuti na lang at walang depekto ang paglalakad ko. Mahirap lumakad patungo sa altar ang ninang na tulad ko, di ba?â€
Napangiti sina Sam at Aya. Talo pa pala ni Doktora ang tunay na magulang dahil excited ito sa araw ng kasal nila.
“Gusto kong maging maÂÂganda sa araw ng kasal n’yo.’’
“Maganda ka na naman po talaga, Tita,’’ sabi ni Aya.
“Gusto ko yung magandang-maganda.’’
Napangiti ang dalawa. Nakakatuwa pala si Doktora.
“Siguro nagtataka kayo sa inaasal ko ano. Pero taÂlagang excited ako sa kasal n’yo. Siguro dahil sa sabik ako sa anak kaya ganito ako.’’
Naisip naman ni Aya, bakit kaya natiis iwan ng kanyang papa si Doktora na isang babaing ubod ng bait? Hindi dapat iniiwanan ang ganitong babae at ipagpapalit sa ibang babae.
Hindi na nakapagpigil si Aya sa nadamang pagnamahal ni Doktora. Niya-kap at hinalikan si Doktora.
“Ang sarap mo pong maging ina, Doktora,†sabi niya.
Napaluha si Doktora sa ginawa ni Aya.
SAMANTALA, palaisiÂpan naman kay Julia ang ginawa ni Sam na biglang pag-alis ng gabing magkasarilinan sila. Bigla siyang iniwan. Naghihimutok si Julia. Binitin siya ni Sam! Sino kaya ang tumawag kay Sam.
Nag-isip si Julia kung paano makikita si Sam.
(Itutuloy)