“SAM, paano naman ako? Huwag kang umalis!’’ sabi ni Julia at hinawakan sa braso si Sam na noon ay palabas na ng pinto.
“May mahalaga akong pupuntahan Julia. Napa-kahalaga!’’
“Ano nga yun? Sino ba ang tumawag na yun?’’
“Hindi mo siya kiÂlala pero mahalaga ang sinabi niya.’’
“Paano naman ako. Paano yung ginagawa natin, Sam?’’
“I’m sorry Julia pero kailangan kong umalis nga-yon din. Intindihin mo naman ako.’’
“Kailan ka babalik?’’
“Bahala na! Bye Julia.’’
Napabuntunghininga si Julia. Malalim. Wala siyang magawa.
Tuluyan nang umalis si Sam. Isinara ni Julia ang pinto. Hinayang na hinayang si Julia. Hindi nangyari ang inaasahan niya.
Nagtuloy siya sa banyo. Hinubad ang bra at panty. Binuksan ang shower at nagbabad sa maligamgam na bagsak ng pinong tubig.
NAALIMPUNGATAN si Aya sa mga katok na nari-nig sa pinto ng unit. Akala niya, nananaginip siya. Totoo palang may kumakatok. Nang sulyapan niya ang relo sa dingding, pasado alas nuwebe na. Isang oras din siyang nakatulog sa sopa.
Tumayo siya at binuksan ang pinto.
“Sorry Aya, ngayon lang ako nakarating.’’
“Kanina pa nga kita hinihintay. Nakatulog na ako rito sa sopa, Sam.’’
“Sorry.’’
“Ipinagluto kita ng paborito mo. Ipaiinit ko lang tapos kumain na tayo.’’
“Mamaya na lang, Aya. Tinawagan ako ni Dra. Sophia, pumunta raw tayo ngayong gabi sa kanya. Mahalagang-mahalaga raw. Tinawagan niya ako kani-kanina lang.’’
“Bakit daw?’’
“Basta mahalaga raw ang sasabihin niya sa ating dalawa.’’
“Bakit kaya ngayong gabi?’’
“Nagtataka nga ako.’’
“Baka kaya tungkol kay Daddy?’’
Nag-iisip si Sam. Kanina habang nagsasalita si Doktora ay may naririnig siyang nag-uusap.
‘‘Parang malungkot si Doktora, este si Tita pala habang nagsasalita kanina,’’ sabi ni Sam.
‘‘E di pumunta na tayo. Baka nga importante.’’
“Halika na. Huwag ka nang magpalit ng damit.’’
Umalis na sila. Nagtaksi na sila patungo sa bahay ni Doktora Sophia. (Itutuloy)