“MASARAP nga!†sabi ni Sam makaraang subuan ni Aya ng niluto nitong ulam. ‘‘Paano mo natutuhan ito?’’
‘‘Bumili ako ng book. Madali lang pala. Kapag full housewife na ako, marami kang matitikmang luto. Pawang pagluluto ang asikasuhin ko para masiyahan ka.’’
“Baka naman tumaba ako.’’
‘‘Hindi naman siguro.’’
“Baka naman mahiÂrapan ka kung pawang pagluluto ang gagawin mo. Paano kung may baby na tayo?’’
“E di siyempre kukuha tayo ng katulong. Di ba kukunin natin si Manang Azon. Nakatago pa sa akin ang number niya pati address sa probinsiya. PangaÂko natin sa kanya di ba kukunin natin siya.’’
“Kayanin pa kaya ni Manang Azon? Di ba mga lampas 50-years old na yun?’’
“E di sabihin natin humanap siya nang bata-bata na makakasama niya. Baka meron siyang pamangkin e di dalawa silang katulong natin.’’
‘‘Puwede ring tatlo sila at si Manang ang pinakama-yordoma. Hindi naman tayo mahihirapan sa ipasusuweldo dahil marami tayong nakatago. E kung maging tunay na doktor na ako, madadagdagan pa ang pera natin.’’
“Sige, sasabihin ko kay Manang, humanap siya ng dalawang bata-bata na makakasama niya. Mas mabuti kung siya ang pipili para kontrolado niya. At saka paniniwalaan siya anuman ang sabihin niya.’’
Napatitig si Sam kay Aya.
“Ba’t ka nakatitig?’’
“Nagagandahan ako sa’yo, Aya.’’
“Ayan, binobola mo na naman ako.’’
“Ang ganda mo talaga. Kapag nagkaanak tayo baka makapagproduce tayo ng pang-Miss Universer o Miss World.’’
“Posible yun, Sam. Kasi ang guwapo mo. Di ba sabi, karamihan ng mga magaganda ay galing sa Middle East. Maaaring magkaanak tayo ng maganda at guwapo.’’
“Ilan ba gusto mong anak natin?’’
“Kahit ilan. Gusto ko marami para masaya. Gusto kong maranasan na maraming naghahalakhakan sa bahay.’’
“Ako rin, gusto ko maraming anak. Masarap makakita ng mga naglalarong bata.’’
“Mga pito gusto mo?’’
“Walo. Apat na boy at apat na girl.’’
“Aprub sa akin, Sam.’’
“Wala namang proble-ma sa gagastusin sa pagpapalaki at pagpapaaral dahil marami nga tayong nakatago.’’
‘‘Magkasya kaya ang walong bata sa unit natin?’’
‘‘Oo naman. Tamang-tama na magkatabi ang ating unit. Lalagyan lang natin ng pintuan sa partition.’’
‘‘O kaya bumili tayo ng bahay at lupa sa isang exclusive na subdibisÂyon. Yung malawak ang bakuran na puwedeng pagÂlaruan ng mga bata.’’
“Good idea.’’
“Sana bukas ay ga-graduate ka na ng MeÂdicince para makapag-pakasal na tayo.’’
“Para makagawa na tayo ng bata, he-he!’’
Kinurot siya ni Aya.
Marami pa silang pi-nag-usapan ukol sa kanilang hinaharap. Masayang-masaya ang dalawa. Sigurado na sila sa isa’t isa.
ISANG hapon, naglalakad sa Morayta si Sam. Galing siya sa bookstore. Nang may tumawag sa likuran niya.
“Sam!’’
(Itutuloy)