Halimuyak ni Aya (326)
NAPAKALAMBOT ng labi ni Aya. Dampi lamang ang ginawa ni Sam pero naramdaman agad niya na walang kasing sarap ang labi ni Aya. Naalala niya nang maghalikan sila ni Julia, kaklase niya noong high school, walang kapantay ang labi ni Aya.
Dahan-dahang idiniin ni Sam ang labi at lalo pa niyang nadama ang hindi maipaliwanag na sarap na naghahari sa kanyang katauhan. Parang may humihigop sa kanya.
Si Aya naman ay natatangay sa ginagawa ni Sam. Unang halik niya. Akalain ba niyang ngayon mangÂyayari ang pagtikim niya ng unang halik. Pagkaraan nang matagal nilang pagsasama ni Sam sa iisang bahay, ngayon nagkabistuhan ng damdamin. Ngayon nila naipahayag ang totoong damdamin sa isa’t isa.
Lumuwag ang pagkakalapat ng labi ni Sam at may ibinulong, “Mahal na mahal kita, Aya. Noon pa, mahal na kita.’’
Walang masabi si Aya. Kapag pala punumpuno ng kaligaÂyahan ang puso ay walang mamutawi sa bibig. Isa pa nga ay selyado ang kanyang labi ng mga labi ni Sam.
Muling sinimsim ni Sam ang liÂnamnam ng labi ni Aya. Lalo namang nagpatangay si Aya. Dama ni Aya, siya ang pinakamaligayang babae. Walang makakapantay sa nadarama niyang kaligayahan. Noon pa matagal na siyang nangaÂngarap ukol sa kanilang dalawa ni Sam. Ngayon hindi isang panaginip lamang ang nangyayari, totoo na.
Natutukso naman si Sam na sanggiin ang mayamang dibdib ni Aya. Alam niya kung gaano kaganda ang itinatago ni Aya. Nakita na niya noon pang punasan niya ito. Perpekto ang mga dibdib ni Aya. Walang pingas. Alam na alam niya, birhen pa ang dalawang bundok.
Pero nagpigil si Sam. Hindi pa ito ang panahon para pakialaman ang mga iyon. Sapat na muna na nalaman nila ang damdamin sa bawat isa. Sapat na ang nagkadampian ang kanilang mga labi. Pero hindi na lalampas doon. Titiisin ni Sam hanggang sa dumating ang tamang panahon.
Inangat ni Sam ang mga labi sa labi ni Aya. Naghabol sila ng hiniÂnga.
‘‘Mahal mo rin ba ako, Aya?’’
“Oo.’’
“Akala ko kasi, ako lang nagmamahal.’’
“Akala ko rin. Pero nang sabihin sa akin ni Lolo na mahal mo ako, naniwala na ako.’’
“Sinabi sa’yo ni Lolo na mahal kita.’’
‘‘Oo. Sabi niya sa akin, ‘Aya, mahal ka ni Sam, sana kayong dalawa ang magkatuluyan. Magi-ging maligaya kami ni Lola Cion mo kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan’. Alam mo ang saya-saya ko nang sabihin niya iyon sa akin. Sabi ko kay Lolo, huwag siyang mag-alala at magkakaroon ng katuparan ang gusto nila ni Lola.’’
Hindi makapani-wala si Sam sa ginaÂwa ni Lolo Ado. Hanggang sa huling sanda-li ay siniguro nito na silang dalawa ni Aya ang magkakatuluyan.
(Itutuloy)
- Latest