“PUWEDE ko bang malaman kung bakit mo kilala si Cristy?’’ tanong ng Kapitanang si Imelda kay Sam. Nakatitig nang husto si Imelda kay Sam.
“Ako po si Sam. Anak po ako ni CristyÂ.’’
Lalo nang napatitig si Imelda kay Sam. Hindi makapaniwala sa narinig. Matagal bago nakapagsalita.
“Anak ka ni CristyÂ?â€
“Opo.’’
Tumitig muli kay Sam.
Nagmano si Sam kay Imelda.
“Matagal po kitang hinanap. Nag-try po kami sa Facebook, nagtanung-tanong pero walang nangyari. Ngayon po lamang nagkaroon ng katupaÂran. Nagbunga po ang dasal.’’
“Sam, hindi talaga ako makapaniwala. Pero nang makita kita kanina, parang nakita ko na rin ang iyong …â€
Ibinitin ang sasabihin pero si Sam na ang nagdugtong “Ang akin pong ama?’’
Napatango.
“Kamukhang-kamukha mo. Napakaguwapo.’’
Napangiti lang si Sam.
‘‘Halika sa opisina ko Sam. Magkuwentuhan tayo. Marami akong gustong malaman sa iyo at sa aking kaibigang si Cristy.’’
“Ako rin po marami rin po akong gustong malaman sa inyo tungkol sa naging buhay ng aking ina sa Saudi. Patay na nga po pala si Mama, Aling Imelda.’’
Biglang nalungkot si Imelda.
‘‘Patay na pala siya.’’
‘‘Matagal na po. Isinilang lang po ako at namatay na siya. Ikinuwento po sa akin nina Lolo at Lola.’’
“Kawawa naman ang kaibigan ko,’’ sabi at may nangilid na luha. Pinahid ng daliri. “Halika Sam. Dito tayo sa opisina ko.’’
Pumasok sila sa opiÂsina ni Imelda. MaÂÂlaki ang barangay hall. Napaka-linis. MaÂraming ina na may kargang sanggol ang nasa lobby.
Pumasok sila sa opisina.
“Maupo ka Sam. Ano nga pala ang gusto mong inumin?’’
“Huwag na po Aling Imelda at busog ako.’’
“Tawagin mo akong Tita. Parang kapatid ko ang mama mo. Ayaw mo ba kahit na buko juice.’’
“Sige po Tita Imelda.’’
Tinawag ni Imelda ang isang babae na nasa may pintuan at pinakuha ng buko.
“Kumusta naman ang buhay mo Sam? Matagal ka na palang ulila.’’
‘‘Opo. Kamamatay lang po nina Lolo at Lola. Ako naman po ay matatapos na ng Medicine. Kaya po ako narito sa lugar n’yo ay dahil may medical mission kami.’’
Napatango si Imelda.
“Sinulatan ko ang mama mo noon pero hindi ako sinagot.’’
“Nabasa ko po ang sulat mo Tita Imelda. Dun ko nakumpirma na talagang ang aking ama ay isang Saudi. Lalo ko pong minahal si Mama dahil sa kaÂbila nang nangÂyari, e binuhay niya ako. Pinilit po niyang makauwi at isinilang ako.’’
“Sa ama mo bang Saudi ay galit ka Sam?’’
“Hindi rin po.’’
“Gusto mo siyang makita?’’
(Itutuloy)