NASA fourth year na ng kursong Medicine si Sam nang makita ang babaing kaibigan ng kanyang Mama Cristy na si Aling Imelda. Hindi niya akaÂlain na makikita pa ito. Ang totoo’y nawalan na siya ng pag-asa sapagkat na-try na nilang hanapin sa Facebook. Tinulungan siyang hanapin ni Aya subalit walang tumutugma. Maraming pangalang IMELDA na lumabas pero hindi iyon ang hinahanap nila. Sabi ni Aya, baka nasa Saudi Arabia pa si Aling Imelda.
Hanggang sa aksidenteng matagpuan niya. Maliit lang talaga ang mundo at siguro’y mataimtim din siyang magdasal. Idinadasal niya na makita at makausap si Aling Imelda para madagdagan pa ang nalalaman niya ukol sa buhay ng kanyang mama habang namamasukan itong DH sa Riyadh.
Nagsasagawa ng medical mission sina Sam sa isang liblib na lugar sa Laguna. Bahagi iyon ng requirements sa kanyang kurso.
Nasa ikalawang araw na ang kanilang medical mission sa lugar nang maagaw ang kanyang atensiyon sa isa umanong babaing barangay kapitana na mahusay mamahala. Usap-usapan ang kapitana sapagkat lahat nang mga sanggol sa kanilang barangay ay minomonitor at pinaaalalaÂhanan ang mga magulang ukol sa regular na check-up ng mga ito. Hinihikayat ang mga ina na regular na dalhin sa barangay health center ang mga sanggol para mabigyan ng bakuna laban sa polio at iba pang sakit.
Nang marinig ni Sam ang pangalan ng barangay kapitana ay kinabahan siya. Nagkaroon siya ng kutob. IMELDA ang pangalan ng kapitana. Hindi kaya ito ang hinahanap niyang kaibigan ng kanyang Mama Cristy? Nang araw ding iyon ay gumawa ng paraan si Sam kung paano malalaman ang background ng kapitanang si Imelda.
Isang matandang lalaki na ginamot nina Sam ang tinanong niya ukol sa kapitana.
“Lolo, kilala mo po ba yung barangay kapitana na ang pangalan ay Imelda?’’
“Oo. Mahusay yun. Taga-riyan sa kabilang barangay. Napakagaling mamuno. Sa lahat nang barangay dito, ang kanyang nasasakupan ang malinis. At lahat nang mga sanggol sa barangay niya ay alagang-alaga. Nakakabilib si Kapitana Imelda. E bakit mo naitanong, Doktor?’’
Napangiti si Sam. Tinawag siyang doktor kahit na estudÂyante pa lang. Siguro’y dahil sa naka-puti silang uniporme at may stethoscope na dala.
“E naitanong ko lang po. Sikat na sikat po kasi siya.’’
‘‘Sikat talaga siya, Doktor. Kung kakandidato uli yan, tiyak na landslide.’’
“Ano po ba ang kanyang propesyon, Lolo?’’
“Ang alam ko, nag-Saudi yan. Hindi ko alam kung anong trabaho roon.’’
Nang marinig ni Sam ang salitang Saudi, kinutuban na siya. Maaaring ang babaing iyon na nga ang hinahanap niya.
“Mabait pong kausap si Kapitana?’’
‘‘Oo. Napakabait niya Doktor.Â’’
Sapat na ang mga nalaman ni Sam para puntahan ang kapitana kinabukasan.
Nakausap niya ang Kapitana. Mabait nga. Titig na titig ito kay Sam. Parang nagtataka sa itsura ni Sam.
‘‘Mam, meron ka po bang kilalang Cristy Buenviaje?’’
“Cristy Buenviaje? Oo, kaÂibigan ko siya. Pero maÂtagal na yun. Nasa Riyadh pa kami. Mga 80’s pa.’’
(Itutuloy)