^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (317)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BAGO lumuwas ng Maynila sina Sam at Aya, dinalaw nila ang libingan nina Lolo Ado at Lola Cion. Nangako ang mga ito na la­ging dadalaw. Habang papalayo ang dalawa sa memorial park, pakiramdam nila ay may dalawang nila­lang na nakangiti at nakatanaw sa kanila.

“Parehas na tayong ulilang lubos ngayon,” sabi ni Sam habang nasa bus sila at tuma­takbo sa Expressway. Nakahilig ang ulo ni Aya sa balikat ni Sam. “Ah hindi pala tayong dalawa, ako lang pala dahil buhay pa si Dr. Paolo del Cruz.’’

“Ulila na rin akong lubos Sam. Huwag mo nang banggitin si Papa dahil wala rin naman siya. Buhay nga siya pero hindi ko naman nadama ang pagmamahal niya.’’

“Sorry.’’

Ipinokus ni Sam ang tingin sa tinatakbuhan ng bus. Binalikan ang mga naka­lipas. Nag-iisa na nga siya. Ulilang lubos na nga siya. Wala na ang dalawang matanda na itinuring na niyang mga magulang. Wala naman siyang mga malalapit na pinsan sapagkat nag-iisang anak ang kanyang mama Cristy. Hindi niya naitanong kay Lolo Ado kung bakit nag-iisa ang kanyang mama. At hindi rin naman nito naikuwento sa kanya kahit na madalas silang nag-uusap.

Mula nang mabasa niya ang sulat ni Aling Imelda ay nagkaroon siya ng interes na ma­laman pa ang buong istorya ng kanyang pagkatao. Kung makikita niya at makakausap si Aling Imelda, marami pa siyang malalaman dahil matagal din silang naging magkaibigan sa Riyadh. Sa pag-aana­lisa ni Sam sa sulat ni Aling Imelda, malapit lamang o magkapit­bahay ang kanilang mga amo. Sa bahagi ng sulat ay nagkaka­usap sila (Imelda at Cristy) habang nagta­tapon ng basura. Na­ging magkaibigang matalik sila at lahat ng problema ng kanyang mama ay sinasabi kay Aling Imelda.

Kailangang makita niya si Aling Imelda, iyon ang pagsisikapan ni Sam. Sana matulungan siya ni Aya na makita si Aling Imelda sa Facebook. Sana sa lalong madaling panahon ay magkita sila.

 

SUBALIT hindi nakita ni Aya si Aling Imelda sa Facebook. Maraming IMELDA pero walang tumutugma sa katauhan ng kaibigan ng kanyang mama. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa na isang araw ay makikita si Aling Imelda.

“Tutulungan kita sa paghahanap, Sam,” sabi ni Aya.

Pero hindi nila nakita si Aling Imelda.

 

Hanggang sa lumipas pa ang isang taon. Nasa fourth year na si Sam. Malapit nang magtapos ng Medicine.

Hindi niya ina­asahan sa panahong iyon makikita ang babaing kaibigan ng kanyang mama --- si Aling Imelda.

(Itutuloy)

ALING

ALING IMELDA

AYA

DR. PAOLO

IMELDA

LOLO ADO

SAM

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with