MULA nang lumipat sila sa condo ay naka-ugalian na ni Sam na pagdating mula sa school ay dadaan muna sa unit ni Aya. At nagtataka si Aya kung bakit ngayon ay hindi siya pinupuntahan ni Sam.
Pinuntahan niya. Pinihit niya ang pinto ng unit ni Sam. Bukas iyon! Narito na si Sam.
Tinulak niya ang pinto. Nakita niya si Sam sa salas na nakaupo at nagbabasa ng libro.
“Kanina ka pa Sam?†tanong niya.
Hindi sumagot si Sam. Nagpatuloy sa pagbabasa. Parang walang narinig.
“Sam, kanina ka pa?†Tanong muli ni Aya at tumabi kay Sam.
Pero hindi pa rin sumagot si Sam. Nakatutok ang mga mata sa pagbabasa. Hindi tiningnan si Aya.
“Para akong nagsalita sa bingi. Bingi ka Sam.â€
“Hindi,†sagot.
Nagtawa si Aya.
“Ba’t hindi ka sumasagot sa tanong ko.’’
“Wala. Busy lang ako.’’
“Sasagot ka lang ng naman ng oo o hindi e.’’
“Kanina pa ako.’’
“Bakit hindi ka nagdaan sa unit ko?â€
Hindi sumagot.
“Bakit Sam? Lagi ka namang nagdadaan kapag dumarating ka galing sa school.’’
“E kung maistorbo ko kayo. May bisita ka di ba?â€
Nagtawa si Aya. Itinakip ang palad sa bibig.
“A kung ganun, sumilip ka sa pinto kaya alam mong may bisita ako. E ano naman kung may bisita ako. Puwede ka namang mag-“hi†sa akin habang nasa may pinto.’’
“Makakaistorbo nga ako!’’ sabing may inis.
“Pambihira naman ito, makakaabala ba ‘yun.’’
Hindi nagsalita si Sam. Nagpatuloy sa pagbabasa.
“At saka kilala mo naman ang bisita ko. Di ba nagkita na kayo ni TJ.â€
Hindi sumagot si Sam. Patuloy sa pagbabasa.
“Galit ka ba Sam?â€
Hindi sumagot. Patuloy sa pagbabasa. Parang walang nagtanong.
Nakatingin lang si Aya at hindi malaman kung aalis na sa tabi ni Sam.
Namagitan ang katahimikan sa kanila.
Ipinasya ni Aya na umalis.
(Itutuloy)