^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (276)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALIIT talaga ng mundo. Akalain ba ni Sam na magiging prof niya ang asawa ni Dr. Paolo del Cruz? Noon pa siya nag-iisip kung paano makikita ang asawa ni Dr. Del Cruz. Gusto niyang malaman kung anong ugali mayroon ang asawa nito. Mula nang ipagtapat ni Dr. Del Cruz sa kanya na ayaw na ayaw ng kanyang asawa na magkaroon ng ugnayan sa anak na si Aya, nakadama siya ng galit dito. Bakit ipagkakait niya na makapiling ng anak ang ama?

Ngayon ay narito sa harapan niya si Dr. Sophia del Cruz. Titig na titig siya sa magandang mukha ni Dra. Del Cruz. Siguro’y napakaganda lalo ng doktorang ito noong kabataan pa. Halatang mayaman dahil sa kinis ng kutis.

Marahang magsalita si Dra. Del Cruz. Madaling maintindihan ang sinasabi ukol sa subject na itinuturo. Laging nakangiti si Dra. Del Cruz at kapag ngu-mingiti ay tila ba nakangi­ti rin ang magagandang mga mata. Ito ba ang babaing ayon kay Dr. Paolo del Cruz ay masama ang ugali at nagbabawal sa kanya na huwag makipagkita kay Aya? Parang hindi masama ang ugali ng babaing ito. Sa tingin ni Sam, maawain at ubod ng bait ang babaing ito.

Sabagay, hindi rin naman makikita agad ang ugali ng isang tao sa unang pagkikita. Maaaring mabait ang pinakikita ni Dra. Del Cruz pero sa kabila niyon ay ubod pala ng sama. Baka nga naman, tama ang sinasabi ni Dr. Del Cruz ukol sa asawa niya. At wala siyang magawa sapagkat, mayaman ito. Hindi siya maaaring sumuway sa anumang gusto ng asawa. Ang kanyang biyenang lalaki raw ang may-ari ng hospital kung saan siya nagki-clinic.

Pinagmasdan muli ni Sam si Dra. Del Cruz. Parang hindi siya makapaniwala na masama ang ugali nito.

Natapos ang klase nila. Marami siyang nalaman. Mahusay magturo. Kailan kaya niya malalaman ang katotohanan sa sinasabi ni Dr. Del Cruz tungkol sa asawa nito?

Hindi naman inilihim ni Sam kay Aya na propesora niya ang asawa ng kanyang papa. Ikinuwento agad niya rito.

“Mukha nga bang masama ang ugali, Sam?”

“Hindi. Ang ganda nga!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ASAWA

AYA

CRUZ

DEL

DEL CRUZ

DR. DEL CRUZ

DR. PAOLO

DR. SOPHIA

DRA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with