Halimuyak ni Aya (275)
“WALA naman tayong dadalahin sa paglipat sa condo, ano Sam?†tanong ni Aya nang nasa bahay na sila.
“Oo. Damit lang ang dadalhin at saka mga libro at laptop. Yang TV at ref ay kay Dr. Del Cruz.’’
“Bumili tayo ng sarili natin Sam.’’
“Oo naman. Yung malaking flat screen LED TV ang bibilhin natin. Pati kama, ref, washing machine, gas stove at marami pang iba.’’
“Excited na talaga ako Sam.’’
“Mas maganda kung bago tayo lumipat ay puno ng gamit ang ating unit. Siguro, mga one month bago tayo lumiÂpat ay bumili na tayo.’’
“Oo Sam.’’
“Wala naman ta-yong problema sa pera. Kahit anong bilhin natin e hindi tayo mauubusan.’’
Napaluha si Aya.
“O bakit ka umiiyak?â€
“Naalala ko si Ma-ma. Kaya pala ayaw niyang umalis sa pi-ling ni Janno noon ay mayroon siyang balak ---makapag-ipon nang maraming pera. Kaya pala kahit anong pilit ko sa kanya na layasan ang walanghiyang si Janno ay ayaw niya. Yun pala, ipon siya nang ipon.’’
“Oo nga, Aya. Ha-ngang-hanga talaga ako kay Mama Brenda. Akalain mo, nakapag-ipon siya nang mara-ming pera para sa ki-nabukasan natin.’’
“Kaya pala noon ay napapansin ko na kapag wala si Janno ay nagkukulong sa kanyang kuwarto si Mama, siguro binibilang at inaayos niya ang mga pera. Itinatagong mabuti at baka makita ni Janno.’’
“Di ba sabi mo noon, napakalakas kumita ng pera ni Janno.’’
“Oo. Natatandaan ko, bata pa ako, inilalagay ni Janno ang pera sa itim na bag at sa kuwarto ni Mama itinatago. Kapag pupunta sa casino, kukuha siya ng bungkos sa bag at magdamag na magka-casino. Napakaraming sasakyan ang nakaÂparada sa bakuran. Yung isang Pajero ay si Mama nga ang nagmamaneho. Lagi kong nakikita na kapag umuuwi si Janno ay may dalang maraming pera…’’
“Doon galing ang perang pinamana sa atin ni Mama Brenda?’’
‘‘Oo. Ipon nang ipon si Mama habang nagpapatalo naman sa casino si Janno. Kung hindi nakapagtago ng pera si Mama, baka wala tayo ni isang ku-sing at baka sa isang maliit na bahay tayo nakatira ngayon.’’
“Hanga talaga ako kay Mama Brenda.’’
“Mas mahusay si Mama kaysa kay Papa ano, Sam?â€
“Super. Superwoman nga siya. Napakabuting ina. Kahit na sinasaktan ni Janno, pinagtiisan para lamang sa ka- pakanan natin. Ang kinabukasan natin ang kanyang inaalala.â€
“Lalo kong na-miss si Mama, Sam.’’
“Ako man, Aya.’’
MAKALIPAS ang ilang araw, may nangyaring hindi inaasahan. Nakilala ni Sam ang asawa ni Dr. Del Cruz. Professor pala ito. At naging estud-yante nito si Sam. Nagulat si Sam nang makita ang asawa ni Dr. Del Cruz.
(Itutuloy)
- Latest