Halimuyak ni Aya (268)
MAGDAMAG na binantayan ni Sam si Aya sa kuwarto. Sa sopa na siya natulog para kung magising si Aya ay pakakainin niya at paiinumin ng gamot. Pero lumipas ang magdamag ay hindi nagising si Aya. Mahim-bing na mahimbing ito.
Nang mag-umaga, sinalat niya ang noo ni Aya para malaman kung mainit pa ang temperature ng katawan. Normal na. Kung kagabi ay halos magbaga ang katawan dahil sa lagnat, ngayon ay hindi na nakapapaso. Magaling na si Aya. Epektibo ang ginawa niyang pagpunas dito ng maligamgam na tubig na pinatakan ng alcohol. Agad na bumaba ang lagnat. Pinisil niya ang malambot na palad ni Aya. Salamat naman at magaling na ito. Pro-blemado siya kapag may sakit si Aya.
Maya-maya ay kumilos si Aya. Nagmulat ito ng mga mata. Nakatingin kay Sam. Parang nag-iisip at nagtataka. Siguro’y epekto ng ma-tinding lagnat.
“Okey ka na Aya?â€
Tumango.
“Gusto mo nang kumain? Nagluto ako ng soup.â€
“Oo, Sam. Yung maÂinit.’’
“Sige, wait ka lang.â€
Mabilis na lumabas si Sam at nagtungo sa kitchen. Naglagay ng soup sa mangkok. Kumuha ng pineapple juice. Dinala kay Aya. Nakaupo na si Aya.
“Eto na Aya. Susu-buan kita.’’
Tumango si Aya.
Sinubuan ni Sam.
“Sarap ano?â€
“Oo.’’
Sinubuan pa.
“Ang taas ng lagnat mo kagabi. Parang baga sa init ang katawan mo.’’
“Pinunasan mo ako ano?â€
“Oo. Para bumaba ang lagnat mo. At saka basang-basa ang uniporme mo.’’
“E di nakita mo ang ano…?†sabi ni Aya at napangiti.
“Hindi ko tiningnan.’’
Kinurot siya ni Aya sa braso.
“Maniwala ako…â€
“Hindi nga.’’
Umirap si Aya.
“Eto kain ka pa. Kailangang lumakas ka. Tapos uminom ka ng gamot.’’
Sinubuan uli niya.
“Sam, salamat sa lahat nang ginagawa mo sa akin. Sana hindi ka magbago. Kasi kung magbabago ka, wala na akong ibang mapupuntahan. Sana kung ano ka ngayon, ganyan ka pa rin hanggang sa wakas.’’
Hindi inaasahan ni Sam ang paghalik sa kanya ni Aya.
(Itutuloy)
- Latest