“BA’T ang aga mo, Aya?†tanong ni Sam. “Di ba mamaya ka pang hapon dahil magre-research ka pa?â€
“Masakit ang ulo ko, Sam. Parang lalagnatin ako.’’
“Masakit ang katawan mo?â€
“Medyo.â€
“Baka tatrangkasuhin ka. Mahiga ka na at bibili ako ng gamot para sa sakit ng ulo.’’
Agad pumasok si Aya sa kuwarto nito. Halata ngang maysakit dahil walang kasigla-sigla. Kawawa naman. Baka napagod dahil sa dami ng pinag-aaralan. Graduating na sila ni Aya. Laging nakababad si Aya sa library dahil sa ginagawang thesis.
Lumabas ng bahay si Sam at bumili ng gamot para sa sakit ng ulo. Bumili na rin siya ng mga prutas para kay Aya. Kailangan ni Aya ng Vitamin C para malabanan ang infection.
Pagdating sa bahay ay dinala ang gamot kay Aya. Napasukan niyang nakahiga sa kama at hindi pa nakapagpapalit ng uniporme. Nakatulog na dahil sa masamang pakiramdam ng katawan. Kawawa naman.
“Aya! Aya!†Tawag niya. Pero ayaw sumagot. Tulog.
Dinama ng palad niya ang noo ni Aya. Ang init! Nilalagnat nga!
“Aya, uminom ka ng gamot. Mataas ang lagnat mo.â€
Umungol lang si Aya.
“Uminom ka muna. At saka magpalit ka ng damit.â€
Umungol lang.
Hindi malaman ni Sam kung paano ang gagawin para mapainom ng gamot si Aya. Dinamang muli ang noo ni Aya. Mainit na mainit.
Noong nasa probinsiya siya, kapag nilalagnat ay pinupunasan siya ni Lola Cion nang maligamgam na tubig. Para bumaba ang lagnat.
Pupunasan niya si Aya. Naglagay siya ng maligamgam na tubig sa isang lalagyan at pinatakan ng alcohol.
Problema kung paano niya pupunasan e naka-suot pa ito ng uniporme. Bahala na. Kailangang mapunasan niya para bumaba ang lagnat.
(Itutuloy)