Halimuyak ni Aya (265)
KINABAHAN si Sam nang makita si Julia. MaÂÂ tindi na talaga ang pagkagusto nito sa kanÂya. Kahit saan siya magÂpunÂta ay nasusundan siya. Hindi siguro maÂlimutan ni Julia ang mga nangyari sa kanila noong mapag-isa sila sa apartment sa Sulucan.
Umatras si Sam mula sa pagkakadungaw sa bintana. Delikadong makita siya ni Julia. Tiyak na magugulo ang magandang samahan nila ni Aya. Napakataas pa naman ng pagkakilala sa kanya ni Aya. Malaki ang tiwala nito sa kanya. Ikinumpara pa siya sa papa nito. Mas mahusay siya kaysa sa papa nito. Wala raw panininindigan ang ama.
Hindi niya dapat sirain ang pagtitiwala ni Aya. Kahit na hindi siya sigurado kung may pagtingin din sa kanya si Aya, hindi dapat masira ang pagkakilala sa kanya. Kapag pinatu-lan niya si Julia at nalaman ito ni Aya, malaking problema ang kahaharapin niya. Hindi niya kayang bigyan ng problema si Aya. Kawawa naman. Hindi pa nakakabawi sa pagkamatay ni Mama Brenda at ganundin sa pagwawalambahala ng amang si Dr. Del Cruz at pagkatapos ay dadagdagan pa niya, hindi niya kaya.
Pinagmasdan niya si Julia. Tumigil ito at pinagmasdan ang mga apartment na nasa gawing kanan niya. Sumulyap sa dakong bintana na kinaÂroroonan ni Sam. Atras si Sam! Delikadong masulyapan siya! Kapag nakita siya, tiyak na hindi ito titigil hangga’t hindi niya pinapapasok. At paano kung biglang dumating si Aya? Patay na! Paano siya magpapaliwanag?
Nakita ni Sam na isang lalaki ang pinagtanungan ni Julia. Tinatanong marahil kung may kilala itong Sam. Umiling ang lalaki at umalis.
Ilang sandali na huminto si Julia at nang tila wala nang pag-asang makita ang bahay ni Sam ay umalis na.
Nakahinga nang maluwag si Sam.
Makaraan ang 15 miÂnuto, dumating si Aya. Muntik na si Sam kung pinatuloy si Julia!
(Itutuloy)
- Latest