HINIMATAY si Aya nang maÂkita ang ina sa morgue. Nakaalalay si Sam at Manang Azon kay Aya.
Nang mahimasmasan si Aya, pinlano nila ang mga gagawin para maisaayos ang katawan ni Mama Brenda. Si Sam na ang nagpasya nang lahat. Walang maisip si Aya dahil sa nangyari sa ina.
Noon naisip ni Sam ang maraming pera na ibinigay ni Mama Brenda. Kailangang gamitin iyon para sa burol ni Mama Brenda. Siguro kaya ibinigay iyon ni Mama Brenda ay hindi lang para sa kinabukasan nila ni Aya kundi para na rin sa kanya (Mama Brenda). Nagkaroon kaya ng premonisyon si Mama Brenda kaya ibinigay ang maraming pera? Siguro. Kung hindi iyon naibigay nang mas maaga, saan sila kukuha nang gagastusin.
“Sam ikaw na ang bahala,†sabi ni Aya habang nakasubsob sa dibdib niya.
“Akong bahala, Aya.â€
“Alam ko, mas maru-nong ka kaya ikaw na ang magpasya sa lahat na may kinalaman kay Mama.’’
“Oo. Akong bahala. Naiplano ko na ang mga gagawin kay Mama Brenda.â€
“Salamat Sam,†at isinik- sik ni Aya ang mukha sa dib-dib ni Sam.
Sa tulong ni Manang Azon, naisagawa nang maayos ang mga plano kung paano magiging maganda ang burol ni Mama Brenda. Sa isang kilalang punerarya ibinurol si Mama Brenda. Magandang-maganda ito habang nasa loob ng kabaong.
Hindi problema ang pe-rang gagastusin sa burol at maski sa paglilibing sapagkat napakaraming pera ang iniwan ni Mama Brenda. Sobra-sobra.
Habang nakaburol, saka lamang naikuwento ni Manang Azon kina Sam at Aya ang buong pangyayari sa pagkamatay ni Mama Brenda. Hindi halos humihi-nga si Aya habang dinede-talye ang mga nangyari.
“Nagising ako nang madaling araw na may nagsisigawan. Pagkatapos ay may mga nahulog na gamit at may nabasag. Alam kong ang sumisigaw ay si Janno. Galit na galit ang boses. Lumabas ako ng aking kuwarto para silipin ang dalawa.
“Narinig ko si Janno na itinatanong kay Brenda kung nasaan ang attaché case. Inuutusan si Brenda na ilabas daw ang attaché case. Sagot ni Brenda, hindi raw niya alam kung nasaan iyon. Pero nagpumilit si Janno na si Brenda ang nagtago ng attaché case. Sabi pa ni Janno na kung hindi ilalabas ang attaché case ay papatayin niya si Brenda. Pero matapang na si Brenda at hinamon si Janno na pata-yin na siya.
“Nagpatuloy ang sigawan. Sinampal ni Janno si Brenda. Lumaban si Brenda at kinalmot si Janno.
“Biglang hinaltak ni Janno si Brenda mula sa kama nito at kinaladkad palabas ng kuwarto. Nagtago ako sa takot. Kasi alam kong may baril si Janno. Nang mailabas sa kuwarto ay patuloy na kinaladkad hanggang sa may hagdanan.
“Muling sinabihan ni Janno si Brenda na ilabas daw ni Brenda ang attaché case. Binantaang papatayin. Pero matigas si Brenda at lumaban kay Janno. Hanggang sa itulak ni Janno si Brenda sa hagdan. Nahulog at nabagok ang ulo…†Tumigil si Manang Azon sa pagkukuwento nang makitang nangingilid ang luha ni Aya.
Hanggang sa tuluyan nang umiyak na si Aya.
“Hayop! Hayop talaga!â€
Pinakalma ni Sam si Aya. (Itutuloy)