“ANO pong nangyari kay Mama, Manang Azon?†tanong ni Aya. Nanginginig ang kanyang boses. Nakatingin at nagtataka sina
Sam, Lolo Ado at Lola Cion. Malakas ang kutob ni Sam na may masamang nangyari kay Mama Brenda. Hindi tatawag nang ganoon si Manang Azon kung walang masamang nangyari.
“Pumunta ka ngaÂyon dito sa ospital, Aya. Pumunta ka rito!â€
“Ano pong nangyari kay Mama, MaÂnang Azon?â€
“Wala na siya! Aya. Wala na!†sabi at hindi na napigilan ang sarili at humagulgol ng iyak.
Si Aya nang mariÂnig ang mga sinabi ni Manang Azon ay lalong nag-histerikal. Noon na lumapit si Sam at inalalaÂyan si Aya. Parang mawawalan ng malay. Nakadalo rin ang dalawang matanda. Kinuha ni Sam ang cell phone ni Aya at siya ang kumausap kay Manang Azon.
“Manang, si Sam po ito. Ano pong nangyari kay Mama Brenda?â€
“Sam, wala na si Mama Brenda mo. Nahulog siya sa hagdan at nabagok ang ulo. Isinugod ko sa ospital pero makaraan ang ilang oras ay namatay din. Litung-lito ako Sam. Kailangang makarating agad kayo rito. Hindi ko alam ang gagawin.â€
“Ano pong nangyari, Manang?â€
“Mamaya ko na sasabihin, Sam. Hanggang ngayon parang may trauma pa ako sa nangyari.’’
Sinabi nito ang paÂngalan ng ospital.
“Sige po Manang. SaÂlamat po. Darating na po kami.â€
“Ikaw na ang bahala kay Aya. Hindi ko sana sasabihin sa kanya na wala na ang mama niya pero hindi ko na napiÂgilan…†sabi at muÂling umiyak si Manang Azon.
“Sige po darating na kami.â€
Tulala si Aya pero napagpayuhan ng daÂlawang matanda na tanggapin nang maÂluwag ang nangyari.
Para mapabilis ang pagbalik sa Maynila, inarkila ni Lolo Ado ang bagong van ng kaÂnilang kapitbahay.
“I-text mo ako Sam sa mga nangyari,†bilin ni Lolo Ado nang nasa loob na ng van ang dalawa.
“Opo.â€
Umalis na ang van. Hindi nagsasalita si Aya. Nakatingin lang si Sam. Panibagong dagok na naman kay Aya ang pangyayari. Kawawa naman si Aya. Hinawakan niya ang palad ni Aya. Pinisil.
Nang dumating sila sa ospital, nasa morgue na ang katawan ni Mama Brenda. Nang makita ni Aya ang katawan ng ina, parang gumuho na ang lahat.
“Mama! Mama!â€
(Itutuloy)