^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (254)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANO pong nangyari kay Mama, Manang Azon?” tanong ni Aya. Nanginginig ang kanyang boses. Nakatingin at nagtataka sina

Sam, Lolo Ado at Lola Cion. Malakas ang kutob ni Sam na may masamang nangyari kay Mama Brenda. Hindi tatawag nang ganoon si Manang Azon kung walang masamang nangyari.

“Pumunta ka nga­yon dito sa ospital, Aya. Pumunta ka rito!”

“Ano pong nangyari kay Mama, Ma­nang Azon?”

“Wala na siya! Aya. Wala na!” sabi at hindi na napigilan ang sarili at humagulgol ng iyak.

Si Aya nang mari­nig ang mga sinabi ni Manang Azon ay lalong nag-histerikal. Noon na lumapit si Sam at inalala­yan si Aya. Parang mawawalan ng malay. Nakadalo rin ang dalawang matanda. Kinuha ni Sam ang cell phone ni Aya at siya ang kumausap kay Manang Azon.

“Manang, si Sam po ito. Ano pong nangyari kay Mama Brenda?”

“Sam, wala na si Mama Brenda mo. Nahulog siya sa hagdan at nabagok ang ulo. Isinugod ko sa ospital pero makaraan ang ilang oras ay namatay din. Litung-lito ako Sam. Kailangang makarating agad kayo rito. Hindi ko alam ang gagawin.”

“Ano pong nangyari, Manang?”

“Mamaya ko na sasabihin, Sam. Hanggang ngayon parang may trauma pa ako sa nangyari.’’

Sinabi nito ang pa­ngalan ng ospital.

“Sige po Manang. Sa­lamat po. Darating na po kami.”

“Ikaw na ang bahala kay Aya. Hindi ko sana sasabihin sa kanya na wala na ang mama niya pero hindi ko na napi­gilan…” sabi at mu­ling umiyak si Manang Azon.

“Sige po darating na kami.”

Tulala si Aya pero napagpayuhan ng da­lawang matanda na tanggapin nang ma­luwag ang nangyari.

Para mapabilis ang pagbalik sa Maynila, inarkila ni Lolo Ado ang bagong van ng ka­nilang kapitbahay.

“I-text mo ako Sam sa mga nangyari,” bilin ni Lolo Ado nang nasa loob na ng van ang dalawa.

“Opo.”

Umalis na ang van. Hindi nagsasalita si Aya. Nakatingin lang si Sam. Panibagong dagok na naman kay Aya ang pangyayari. Kawawa naman si Aya. Hinawakan niya ang palad ni Aya. Pinisil.

Nang dumating sila sa ospital, nasa morgue na ang katawan ni Mama Brenda. Nang makita ni Aya ang katawan ng ina, parang gumuho na ang lahat.

“Mama! Mama!”

(Itutuloy)

ANO

AYA

LOLO ADO

MAMA

MAMA BRENDA

MANANG AZON

NANGYARI

SAM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with