“HINDI sana namin malaÂlaman ang lihim ng mama mo kung hindi ko nabasa ang sulat ng isang kaÂibigan niya sa Saudi. Nakalagay sa sulat na isang tinÂedyer ang nakarelasyon ng mama mo. Pero nang mabuntis, pinagmalupitan siya ng mga magulang ng tinedyer kaya tumakas siya sa bahay. Nagtungo siya sa embassy hanggang sa makauwi ng Pilipinas. Buntis na siya nang umuwi rito,†sabi ni Lolo Ado kay Sam.
Noon nagkalakas ng loob si Sam na magtanong sa kanyang lolo.
“Nalaman po ng asawa ni Mama na hindi siya ang ama ng pinagbubuntis?â€
“Palagay ko, makaraang maipanganak ka saka lamang nalaman ni Ipe, asawa ng mama mo, ang lihim. Nabasa rin niya ang sulat ng kaibigan ng mama mo.’’
“Kaya po pala wala kayong maipakitang retrato man lang ng aking ama.’’
“Oo. Hindi naman namin maipakita sa’yo ang retrato ni Ipe dahil hindi naman siya ang iyong ama. At saka bigla na lang siyang nawala nang ipanganak ka.â€
“Hindi na po siya nagpakita, Lolo kahit kailan?â€
“Hindi na. Hanggang ngayon ay wala kaming balita ukol sa kanya.’’
“Pero siguro po, marami ring nagtataka kung bakit malayo ang aking hitsura sa kanya.â€
“Maaari. Siguro ay hindi lang makapagtanong ang iba.’’
“Kaya pala minsan ay may nagtanong sa akin kung bakit mukha raw akong Arab, yun pala, talagang dugo ng Arabo ang nasa ugat ko.’’
“Ano ang nararamdaman mo ngayon, Sam na nalaman mong anak ka ng Arabo?â€
“Wala naman Lolo.â€
“Hindi ka nagagalit sa mama mo na pumatol sa Arabo?â€
“Bakit naman ako maÂgagalit? Lahat naman ay nagkakasala. Kung buhay si Mama ngayon ay baka lalo ko pa siyang mahalin dahil sinikap niya akong mabuhay. Yung ibang nabubuntis na walang ama, ina-abort ang baby nila. Pero si Mama talagang binuhay ako sa kabila nang mapapait niyang karanasan. Napakabuti ni Mama. Sayang at hindi ko na siya nakita.â€
Napaluha si Lolo Ado.
Pero maya-maya, masaya na ito.
“Halika at kumain tayo Sam. Luto na siguro ang mga putaheng ipinaluto ng Lola mo.â€
Masayang kumain ang apat. Patuloy ang pagkuÂkuwentuhan habang kumakain. Masigla si Aya. Panay ang yakap kay Nana Cion.
Pero kinabukasan, bigÂlang nabalot ng lungkot ang lahat. Biglang tumawag si Manang Azon, ang mabait na katulong nina Aya. May malungkot na ibinalita kay Aya.
“Anong nangyari kay Mama, Manang Azon?â€
Umiiyak si Aya.
(Itutuloy)