“OO, sasamahan kita kahit saan. Pero di ba, sabi ni Mama Brenda, huwag na muna tayong magtungo roon at baka maabutan tayo ni Janno,†sagot ni Sam kay Aya.
“Tinawagan ko si MaÂnang Azon kanina. Sabi niya, wala raw dito sa Me-tro Manila ang demonyong si Janno kaya puwede tayong magpunta roon.’’
“Paano kung habang nasa bahay tayo ay biglang dumating at abutan tayo?â€
“Magbabantay si MaÂnang Azon sa labas.’’
“Sige punta tayo. Kailan ang gusto mo?â€
“Bukas na. May pasok ka ba bukas?â€
“Wala. Sabado bukas.â€
“Sige, Sam. Sabik na akong makita si Mama. Gusto ko na siyang mahalikan.’’
KINABUKASAN, maagang gumising sina Aya at Sam. Mabilis na nagtungo sa bahay ni Mama Brenda. Nakaabang na si Manang Azon sa gate.
“Pasok na kayo sa loob at ako ang magbabantay,â€â€™ sabi ni Manang Azon.
“Sinabi mo po ba kay Mama na darating kami Manang?â€
“Hindi.â€
“Salamat Manang.â€
“Tatawagan kita kapag paparating ang kalaban.â€
“Salamat po uli.â€
Pumasok na sina Aya at Sam sa loob.
“Sorpresahin natin si Mama, Sam. Gulatin natin, he-he-he!â€
Nakaawang ang pinto ng bedroom ni Brenda. Dahan-dahang binuksan ni Aya. Hindi siya sumisilip sa loob. Itinigil ang pagtulak at bahagyang kumatok.
“Sino ‘yan?†tanong ni Brenda mula sa loob.
Hindi sumagot si Aya. Inuga-uga ang pinto at mu-ling kumatok.
“Sino ba ‘yan?†tanong ni Brenda.
Biglang itinulak ni Aya at saka nagsalita, “Ako po ang iyong anak, ha-ha-ha!â€
“Aya!†Sabi ni Mama Brenda na halatang nagulat.
“Mama. I miss you so much!†Sabi ni Aya at sumugod sa ina na nakahiga. NiÂyakap nang napaka-higpit. Matagal bago bumitaw.
“Delikadong magpunta rito baka dumating si…â€
“Wala siya rito sa Metro Manila. Sinabi ni Manang sa akin.’’
“Baka biglang dumating ‘yun!â€
“Nasa labas si Manang at nagbabantay. Kapag nakita niya ay itatawag sa akin.’’
Nakahinga nang ma-luwag si Brenda.
Lumapit si Sam at hu-malik kay Mama Brenda.
“Lalo kang gumuguwapo Sam. Mukha ka nang doctor ah.â€
Ngumiti lang si Sam.
“Parang payat ka Ma-ma. Okey ba ang katawan mo?†tanong ni Aya.
“Parang nanghihina ako.’’
“Gusto mo dalhin ka namin sa doctor?â€
“Huwag na. Okey naman ako.’’
“Lagi kitang naaalala, Mama.’’
“Ang pag-aaral mo, kumusta?â€
“Okey naman.â€
Tiningnan ni Brenda si Sam. Pagkatapos ay kay Aya.
“May sasabihin ako kay Sam. Aya, puwede sa labas ka muna. Mga ten minutes lang.’’
“Okey Mama.â€
Nang magkasarilinan, hindi na nagpaliguy-ligoy si Brenda.
“Sam, gusto kita para kay Aya. Gusto ko kayong dalawa ang magkatulu-yan.’’
(Itutuloy)