“MISS na miss kita Sam,†sabi ni Julia at kumapit sa braso ni Sam. Napalunok si Sam. Naalala niya noong maghalikan sila ni Julia sa apartment na tirahan nito sa Sulucan. Manamis-namis ang labi ni Julia.
“Ang akala ko nasa probinsiya ka kaya hindi ka man lang sumasagot sa text ko,†sabi ni Julia na hindi bumibitiw sa kanyang braso. “Di ba nagkasakit si Lola Cion? Anong lagay niya, Sam?â€
“Magaling na siya noon pa.’’
“Ah, mabuti naman. Hindi kasi ako nakakauwi sa atin kaya wala akong balita. Ikaw, nakakauwi ka ba sa atin?â€
“Hindi. Busy nga ako sa thesis. Malapit na akong matapos. Di ba ikaw, fourth year na rin?â€
“Oo. Naghahanda na nga rin ako sa thesis.’’
“E di busy ka rin?â€
“Hindi naman katulad mo na wala nang panahon para sa babaing katulad ko,†sabi at umirap.
“Mahirap ang course ko kasi, di ba magdodoktor ako?â€
“Alam ko.’’
“Gusto ko talagang magdoktor, Julia.â€
“Wala namang pumipigil sa’yo. Ang sinasabi ko lang ay hindi ka man lang nagtext. Parang balewala sa’yo ang nangyari sa atin. Naaalala ko pa nang maghalikan tayo… di ako nakatulog … ang sarap kasi!â€
“Uuwi ka na ba, Julia?†Tanong ni Sam para mabaÂling sa iba ang usapan.
“Oo. Pero kung yayaÂyain mo akong kumain sa McDo e di mamaya pa ako uuwi.’’
Napalunok si Sam. Talagang wala siyang lusot sa babaing ito. NapaÂtingin siya sa labi ni Julia. Mamasa-masa ang labi. Nanunukso yata.
“Nagugutom na nga ako, Sam.’’
Wala na talagang lusot.
“Halika, Julia!â€
Napamulagat si Julia.
“Halika!â€
Nagtungo sila sa McDo.
Pinili nila ang mesa sa sulok.
“Ako ang oorder,†sabi ni Sam. “Ano gusto mo?â€
“Bahala ka na.â€
Nagtungo si Sam sa counter. Pagbalik dala na ang order.
“Mahal mo rin ako ano, Sam?â€
Hindi sumagot si Sam. Dumampot ng French fries at isinawsaw sa ketsup. Kinain.
“I love you Sam.â€
(Itutuloy)